Chapter 3

552 13 0
                                    


Loisa's POV

Tinuloy ko ang pagtakbo hanggang sa classroom. Agad rin akong umupo nang makarating.

"Hingal kabayo ka?" Salubong ng kaibigan kong si Aislin.

Hindi ko sya pinansin, pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pinapahupa ang kahihiyang ramdam na ramdam ko pa hanggang ngayon.

"Hoy!" Sigaw nito nang hindi makuha ang sagot ko. "Bakit ba hingal na hingal ka?"

"Na-nag-exercise lang." hinihingal kong sagot. "Nagjogging."

Nakita ko sa ekspresyon ng mukha nya ang pagkalito.

"Jogging ka mo? E para ka ngang hinabol ng aso." Tinaasan nya ako ng kilay "At tignan mo yang sarili mo hindi ka mapakali."

Kaibigan ko nga sya. Kilala ako e.

"Tama ako di ba?" Tanong nya ulit.

"Na hinahabol ako ng aso?" Paninigurado ko.

"Ang gulo mong kausap!" Nagkamot noo. "Ang ibig kong sabihin anong ganap at ganyan ka?"

"Pwedeng mamaya na, kinukwento ko naman lahat sayo huh! Pwede huminga muna?"

"Kahit kailan walang kwentang kaibigan 'to." Umayos ng upo.

Kita mo ang isang 'to kong ano ano sinasabi. Walang kwenta agad! Kung hindi ko lang kaibigan to baka san sya pulutin.

Hinarap ko sya. "Tigil mo drama mo huh, mamaya na kasi."

"Okay! Sabi mo e." Sabay ngisi.

Natawa nalang ako sa inasta nya, napakaunpredictable kaya nga siguro naging magkaibigan kami, pareho ang takbo ng utak namin.

"GUYS! Andyan na si Miss Bliss!"

Napalingon kami sa kaklase naming ang lakas makasigaw sa likuran. Kita ko sa hamba ng pinto ang naglalakad na si Miss Bliss kaya umupo nako ng maayos at humarap sa harap.

"Isa?" Nilingon ko si Aislin.

"Ano?" Medyo lumapit sya sa akin.

"Hindi naman evacuation center ang school natin no?" Tanong nya.

Tinawanan ko sya. "Kaya nga school ang tawag kasi hindi evacuation center. Hindi ka ba nakapag-almusal?" Tinignan ko sya saka ako tumawa ulit "Kong ano-ano sinasabi mo."

"Syempre nag-almusal ako. Nagtatanong lang e." Kunot noo nitong sabi.

"Bakit ba?"

"Kasi bali-balita may anim daw na kakalipat dito at lahat sila e senior students." sagot nito.

"Anim? Ang dami naman.."

"Ewan ko nga lang kong ilan sa kanila yong mapupunta sa klase natin."

Biglaan ata ang pagdagsa ng mga transfer students.

Sasagutin ko na sana sya kaso nasa harap na ang guro.

"Good Morning Everyone."

Binati namin sya na para bang lahat ng umaga namin ay maganda samantalang nitong nakaraang minuto pinahiya ko ang sarili ko. Pero inisip ko nalang meron talagang mga unexpected situation na mangyayari sayo at labas ang ibang tao sa nangyaring yon sayo.

"Before anything else narinig nyo na sigurong may mga transfer students."

Nagsimulang mag-ingay ang klase. Kong ano-ano prediction ang sinasabi nila.

"Sana pogi yong mapunta sa klase natin!" sabi ng kaklase kong si Wendy na para bang pag lalaki yong mapunta sa klase namin ay magiging kanya.

Natawa naman kaming nakarinig sa sinabi nya.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon