Chapter 7

446 14 1
                                    

Loisa's POV

Nang matapos ang araw na nag-usap kami ni Ronnie tila nawalan ako ng iisipin. At napalitan ng saya na 'di ko alam kung dahil ba sa tapos na iyong preliminary exam o dahil okay na kami ni Ronnie. O baka pareho?

Ang sigurado ako ay magaan ang loob ko. Pakiramdam ko, nawala pasan ko nitong mga nagdaang araw.

"Ate, ngiting ngiti huh?" Biglang sabi ni Aria. "Iniisip mo ba si Kuya Jameson?"

"Hindi " Sagot ko.

"Hindi daw." Sabi nito pero 'di ko na sya pinansin.

Sumagi tuloy si Jameson sa isip ko, alam kong hindi sya multo pero 'di na sya nagpaparamdam. Kahit text wala, hindi ko din sya tinext, kasi kung gusto nyang magkaayos kami sya mismo susuyo sa akin. Kaso walang nangyare, hinayaan nya lang ako. Mukhang mas mag-aalala pa iyon kung tatanggalin ang larong basketball sa sports kisa sa akin.

H A I S T !

Bago pa mag-init ulo ko ay pinatay ko na ang ilaw para makatulog na.

~~~

"Ibibigay ko na sa inyo ang midterm project nyo which is the miniature." Simula ng guro namin sa Contemporary Art. "At by pair ito."

Masaya ang klase nang malaman na may kasama silang gagawa ng project.

"Anong klasing miniature po ba Ma'am?" Tanong ng isang kaklase ko.

"Iyong gusto nyong itsura ng magiging bahay nyo sa future."

Exciting! Ang saya kayang gumawa ng bahay lalo na kong bahay mo ang paplanuhing gawin.

Sang-ayon ang lahat sa proyektong binigay ni Ma'am.

"Forty kayo sa klase, kaya tamang tama na ipares kayo." Tumayo sya sa harap ng row namin. "Lahat ng even number mula dito." Sabay turo nya sa linya ng upuan ko sa unahan. "Kapares nyo iyong nasa kaliwa nyo."

Nagtama ang mata namin ni Ronnie at natawa kami na sabay naming pagharap sa isa't isa.

Medyo ilang pa ako sa kanya pero 'di na gaya nong nakaraang araw. Ngayon na kokontrol ko na.

"Magpartner tayo!" Masigla nitong sabi.

"Oo." Tawa ko ulit.

Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ramdam ko kasi ang totoo nyang pagkatao. Natural na ugali nya. Ang realistic lang, dagdag mo pa iyong maamo na mukha, mga matang mapungay at ang ngiting madalas ko na nakikita sa kanya.

Bakit ko ba sya kinikilatis?

"Mabuti nalang, maliban kay Ck. Ikaw lang gusto ko makasama." Ronnie.

Kailangan nya ba talagang sabihin 'yan? Nakakaoverwhelm. Pwede bang pumili sya ng ibang salita na hindi nakakagalaw ng damdamin?

Ngiti lang ako. "Talaga? Bakit?"

"Kasi ang gaan ng loob ko sa'yo." Ngiti.

O My God! The feeling is MUTUAL. Hindi na tama ito! Ayaw ko nito.

"Hahaha Talaga!" Ulit ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Nakakabulag ngiti nya. Ayaw kong tignan.

Tinapik ko magkabilang pisngi ko. "Gising!" Sa isip ko.

"Okay ka lang?" Ronnie.

"Oo naman." Ako.

"Ahh okay." Ronnie.

Para kaming tanga dito. Haist baka akalain nito baliw ako. Ganda ko para maging baliw.

"May boyfriend ka!" Singhal ko sa sarili.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon