Loisa's POV
"Grrrr..." nanginginig kong sabi matapos kong magbuhos ng isang tabong tubig at inabot ang tuwalya.
Matapos kong patuyuin ang buhok ko e binalot ko na ang tuwalya sa katawan ko't nagmartsa paakyat sa kwarto.
Mabilisang pagbihis ang ginawa ko kasi ang ginaw na. Kaya nang matapos magbihis ay umupo ako sa sofa malapit sa bintana tanaw ang kalsada kong saan ako nakipaglaro sa ulan kanina.
Natawa ako nang maisip ko ang ginawa ko.
Sumagi sa isip ko ang pulang kotse kanina.
"Sino kaya yon?" tanong ko sa sarili nang nakatingin sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.
Kumunot noo ko. "Aba malay ko! Ni anino, ay di ko nakita makilala ko pa kaya!" sagot ko sa sarili.
"Chillax nagtatanong lang e." sagot ko ulit sa sarili at binaba na ang salamin, binaling ko sa labas ang tingin.
Sino nga ba yon? Hindi nya man lang ako sinita? Ni hindi man lang nagpreno para mapansin ko't makadaan na sya.
Pinili nya bang wag akong sawayin dahil nag-eenjoy ako? o nanonood sya sa ginawa ko?
"Hindi.. mali! bakit nya naman ako panonoorin?" nag-iisip kong sabi.
Naglakad ako palapit sa kama at saka sumampa doon. "Ano yon? Trip nya lang?"
Sasagot pa sana ako kaso naisip ko nagmumukha na akong baliw kakausap ko ng sarili ko.
Ayaw mawala ng mga tanong na yon sa isip ko kasi hindi naman sya taga rito! Pero bakit pinili nyang itigil ang sasakyan nya dun sa likuran ko? Hindi ba ang weird? Paano kong kumuha pala sya ng video? Makopya nya pa ang mga moves ko kanina! Di ba? Nakakahiya ang ganon at isa pa kong gagayahin nya man yon, sana wag nya namang makalimutang icredit ako, galaw ko parin yon e!
Pero syempre joke lang yun. Baka lang kumuha sya ng video tapos ikalat nya pagnagkataon bigla akong sumikat kasi bet ng madlang people yong sayaw magviral pa. Tawagin pa akong "Crazy Girl Dancing Under the Rain". Nakakahiya yon!
Pagnalaman nila Papa at Mama baka itakwil nila ako! Nako! Para pa naman akong sira kanina lalo na yong galaw ko? Promise ang pangit! Mas pangit pa sa naiisip nyo.Natigil ako kakaover-think sa nangyari kanina sa kalsada nang nagring ang phone, na dinampot ko sa side table, saka tumagilid paharap sa bintanang dinungawan ko.
Jameson... calling...
"Alas dyes na huh ngayon lang sya tumawag." pinindot ko na ang answer.
"Oh.. Hello!" nakangiti kong bati.
"Good Morning Baby!" masigla na medyo husky nyang sabi.
Gulat kayo? Yeah. Tama boyfriend ko nga sya. Ayoko talaga ng tawagang baby masyadong matamis pero gusto nya kaya wala akong magawa e gusto ko sya, magpapakipot pa ba ako? Hahaha matagal ko na syang crush paano e ang gwapo at ang bait pa kaya nong nalaman kong may pagtingin rin sya sakin. Nagkaroon ako ng pag-asa, hindi rin nagtagal tinanong nya kong pwede nya ba akong ligawan. Syempre ang sagot ko hindi, bakit pa sya mangliligaw kong gusto ko sya at gusto nya rin ako. Kaya sinagot ko na agad sobrang tuwa nya ng sinabi kong kami na e nagtanong lang sya kong pwedeng mangligaw tapos naging girlfriend nya na ako sa araw na yon. Bagay na labis nyang ikinatuwa.
Hindi rin sa ayaw kong magpaligaw, matagal ko na syang kilala, mensan na rin kaming nagkaklase sa Junior High School at gustong gusto ko talaga sya kaya ayon kami na.
Anyway balik na tayo sa kasalukuyan...
"Good Morning, kakagising mo lang?" tanong ko.
"Hahaha oo e, napagod ako sa practice namin kahapon kaya sorry hindi kita nabati ng maaga." mahina nitong sagot.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...