Epilogue

287 17 21
                                    

Title: With You
Author: VINNJAYY

Thank You for reading Guys!

_________________

Loisa's POV

Halos isang buwan narin nang mawala si Ronnie.

Isang buwan na mabilis na lumipas sa mga taong walang inaalala at pinuproblema.

Isang buwan na impyerno sa akin. Hindi ko alam kung buhay pa ba ako dahil mula nang mawala si Ronnie ay nawala ko rin ang sarili ko.

Gusto kung tumakbo ng mabilis ang oras, ang panahon para magamot na itong sugatan kong puso.

Ngunit tila gusto akong parusahan ng nasa itaas, ang isang oras ay parang isang araw.

Habang mabagal na tumatakbo ang segundo ganon naman kabilis sumagi sa isip ko ang mga alaala naming dalawa.

Alaalang nagpapasikip ng dibdib ko na nauuwi sa pagtulo ng luha ko, mga nakasanay namin noong nabubuhay pa sya ay unti-unti akong pinapatay sa sobrang pangungulila ko sa kanya.

Ni hindi ko magawang lumabas ng kwarto para kumain. Nalalasing ako ng sarili kung luha at nawalan ng gana sa lahat.

Pakiramdam ko bumalik sa simula ang buhay ko nang nilisan nya ang mundo.

Naging rason ko sya para gumising ng umaga, para kumain at alagaan ang sarili ko, lahat ng ginagawa ko noong andito pa sya ay hindi ko na magawa.

"Ganito ka nalang ba lagi? Gusto mo atang mamatay 'yang batang nasa tyan mo!"

Natigil ako sa pag-iyak sa sininghal ni Mama sa akin. Pinipilit nya akong bumaba para kumain pero ayoko dahil hindi ako gutom!

"Magsabi ka lang, ipakuha na natin 'yan habang 'di pa malaki! Pahihirapan mo lang sya dyan sa loob, hindi mo naman sya inaalagaan ng maayos!"

Umiling ako. "Ma!"

"Sa tingin mo magugustuhan ni Ronnie kung malaman nyang nagkakaganyan ka dahil sa pag-alis nya? Matutuwa ba sya?" Napasabunot si Mama ng buhok. "Nag-aalala na ako sayo! Masyado mo nang pinapahirapan ang sarili mo, ang baby mo! Kung ayaw mong mawala sya, umayos ka. Kontrolin mo iyang emosyon mo. Okay'ng magluksa Loisa, pero kung sobra na hindi na tama! Lahat tayo nalulungkot dahil sa pagkamatay nya. Kilala ko ang batang iyon hindi nya magugustuhan maging ganito ka, 'wag mo sanang ipahamak ang buhay nyong dalawa baby mo!"

Nabalik ako sa huwisyo sa mga katagang binato ni Mama sa akin. Hindi ko na inalala ang batang unti-unting nabubuo sa sinapupunan ko.

Ang batang gawa ng pagmamahalin namin ay nabaliwala ko. Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko.

Hinaplos ko ang tyan ko matapos kong magising sa katotohanan na hindi pa dito nagtatapos ang buhay ko. May kailangan ng atensyon ko. May mas dapat akong pagtuunan ng pansin, ang baby namin ni Ronnie.

Ang mga sinabi ni Mama ay isang bato na nagpabalik sa aking sarili. Naging daan iyon para ayusin ko ang sarili ko at ituon ang pansin sa kalusugan ko para maging malusog ang batang nasa loob ng tyan ko.

Hindi rin ako nainip sa bahay dahil dumadalaw si Aislin at Jon at ilang kong mga kaklase.

Ilang beses nang dumalaw si Aislin sa akin pero hindi nya sinasama si Ck, tinanong ko sya kung bakit.

Nagulat ako sa naging sagot nya, wala na daw sila. Tinanong ko sya kung anong nangyari ngunit hindi nya sinasabi sa akin. Ilang beses ko syang kinulit na ikwento sa akin pero binabaliwala nya ang mga tanong ko.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon