Loisa's POV
"May alam akong coffee shop dun nalang tayo pumun---" Aislin.
"Gusto ko nang umuwi." Ronnie.
"Ronnie," ako.
"Sorry," Ck. "Dun nalang tayo sa sinab---"
"Sanay na 'ko. Gusto ko na umuwi."
Kahit ganon kakalma iyong boses nya halata paring masama ang loob nya.
Ako, kanina pa nagpipigil umiyak. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko kasalanan kong
nasira ang pagpunta namin dun."Ahhh ang sakit ng mata ko," ginala ko ang mata sa paligid. Kinusot ko ang mga mata
kong namaga dahil sa pag-iyak ko kanina kaya ako inantok at nakatulog.Nasilaw ako nang buksan ko ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang oras, 12:48 am, sa baba nito ay messages and missed calls galing kay Ronnie.
"Haist, 'di ako nakapagreply."
Tumayo ako't binuksan ang ilaw saka nagbihis ng damit pambahay. Tinungo ko ang pinto,
naghahanap ng pagkain ang tyan ko."Kaya 'di nakapasok si Aria," nai-lock ko ang pinto. "O my!"
Napaatras ako nang buksan ko ang pinto. Sinong 'di magugulat, may taong nakasandal sa dinding ng kwarto ko.Hindi ko agad nakilala kasi nakayuko sya. Nakilala ko lang nang binaba ko ang sarili
para masilip ang muka nya."Ronnie..." Isip ko.
Mahimbing syang natutulog.
"Galing din ng talent mo, nakatulog ka talaga sa ganyang posisyon," aliw-iw ko habang pinagmamasdan sya.
Marahan kong sinundot ang pisngi nya gamit ang daliri ko. "Ronnie..." inulit ko nang hindi tumalab. "Ronnie."
This time nagising na sya, agad nyang hinilot ang liigan nya't bumalik sa pagpikit.
"Oy, gising na. Bakit ka ba nandito?"
Na-realize nya na ata kung nasan sya kaya tumingin sya sa akin, matapos kong tanungin sya.
Pumungay ang mata sya habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko'y sobrang lapit ko kaya 'di nya ako nakilala o sadyang inaantok lang sya't hirap maintindihan ang sinabi ko.
Kumurap-kurap sya. Napangiti ako. Ang amo nya ngayon. Actually maamo na mukha nya pero iba iyong dating nya sa medyo maga nyang mata sa pagtulog.
"Lo-loisa," tumayo sya.
"Bakit ka nandito? Anong oras na."
Namilog mata ko nang yakapin nya ako. Hindi ako handa.
"Ayaw akong patahimikin ng isip ko," hinagod nya ang buhok ko. "Sorry sa inaasta ko kanina. Sorry nagpadala ako sa sama ng loob ko. Mali ako nang hinayaan kitang ihatid dito ng ganon. Pasensya na."
Wala akong sinabi, niyakap ko lang sya ng mahigpit.
"Umiyak ka ba?"
Oo, sobra. "Hindi," pagsisinungaling ko. "Bumaba na tayo, kumakalam na sikmura ko."
Hawak ang magkabilang balikat ay iniharap nya ako sa kanya. "'Di ka pa kumain? Anong ora--- teka."
Inilapit nya ang mukha sa akin, medyo malamlam kasi ang ilaw dito sa labas ng kwarto, 'di nya makita ng maayos ang mukha ko.
"Umiyak ka, namamaga ang mata mo," ramdam ko ang pag-alala sa boses nya
"Hindi nga," iniwas ko ang tingin sa kanya at bumaba na.
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...