Chapter 22

406 12 2
                                    

Loisa's POV

"Ahhhhhhhhh!" sabay talon ko sa sofa sa sala.

Gusto kong tumawa, gusto kong tumalon... sa sobrang saya! "Hahaha," tawa ko habang nakahiga sa sofa.

Narinig ko ang mga yabag ng mga paa baba ng hagdan.

"Ate bakit ka sumigaw?!" mabilis na lumapit sa akin ang mga kapatid ko.

"AHHH!" nahulog lang naman ako sa sofa sa gulat. Mabilis akong umupo at hinarap sila. "Huh sumigaw ba ako?"

"Kakasigaw mo lang," Wyatt.

"Ahh Hahaha, sa inyo na 'to," sabay abot ko sa kanila ng supot ng premyong mga pagkain.

Lumapit sila at kinuha sakin. "Andyan na ba sila Mama?"

"Oo, tulog na ata. Tapos na kaming kumain," Jaxon.

"Ganon ba," ang aga naman ata nila? "Bihis lang ako, magsipilyo kayo pagkatapos nyong kumain."

Umakyat na ako at nagbihis. Kakahiga ko lang sa kama nang makatanggap ako ng text.

Ronnie: Ang saya kong makasama ka. Salamat nag-enjoy ako. :)

Gusto ko ulit tumili pero baka magising ko sila Papa. Ang ginawa ko nalang ay gumulong sa kama habang yakap ang unan na kulang nalang ay punitin ko sa pang-gigigil.

Matapos kung ilabas ang kilig ko ay umupo ako ng maayos para magreply.

Ako: Ako rin nag-enjoy. Next time naman.

Nataranta ako nang mai-send ko ang nai-type ko. Ayon 'di ko na na-cancel.

"Anong next time? Next time? Seryoso ka! Ang lakas ng loob huh," sabi nang utak ko.

"Ahh! Ito kasi kung ano tina-type," sabay palo ko sa kamay ko't humiga.

Napabangon ako nang tumunog ulit ang cellphone ko.

Ronnie: Oo naman, basta ba tayo lang dalawa.

Natawa ako sa sobrang tuwa. "Papatayin nya ba ko? Ahhhh ano ba! Hahaha," bigla tuloy uminit ang magkabilang tainga ko.

Tinakip ko ang unan sa mukha ko sa 'di mapaliwanag kong saya ngayon. Ang landi!

Gusto ko nanga sya!



Aislin's POV

"Kumain muna tayo," Ck.

Katatapos lang namin bumili ng regalo para kay Loisa, ngayong linggo na kasi ang kaarawan nya.

"Mauubos ba natin 'yan? Ang dami ng in-order mo," reklamo ko.

"May tiwala naman ako sayo," nakangisi nitong sagot.

"Anong akala mo sakin matakaw?" nakangiwi kong sabi.

Ang dami, may dalawang burger, family na pizza, fries, taco at shake, may chicken nuggets pa.

"Kain nalang tayo huh?" inabot nya sakin ang isang cheese burger.

"Okay, salamat," nakangiti kong tinanggap 'yon at kinain.

Nasa kalagitnaan ng pagkagat ko ng taco ay narinig ko sya tumawa.

Tinaasan ko sya ng kilay habang ngumunguya.

Nakapangalumbaba sya, nakatitig lang sakin. "Nagreklamo ka pa, halos maubos mo na ang pagkain," nakangiti lang ito.

Anong problema nya? Ang sayang kaya kong may matira. Kumuha ako ng isang nuggets at agad itong kinagat. Rinig ko ang ma-crispy nitong pagkaluto sa bibig ko. In-enjoy ko iyon, ang sarap.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon