Loisa's POV"Happy birthday to you..." 'yan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng kusina.
Nandito silang lahat sa kusina at nakapag-ayos na. Habang ako kakagising lang, 'di pa nga ako nakapagmumug e.
Matapos nilang kumanta ay tumakbo palapit ang mga kapatid ko sa akin.
"Happy Birthday Ate," sabay akap sa akin.
"Salamat," nakatawa kong tugon.
Pati si Mama at Papa ay binati't niyakap din ako."Ate blow the cake!" sigaw ni Aria nang iangat ni Wyatt ang cake sa harap ko.
Natawa kami sa sinabi ng bunso namin. "Aria, blow the candle," sabi ko.
"Hindi blow the cake, baka wala na tayong makain 'pag lumipad 'yang," Jaxon.
"Sorry po," Aria.
"Hahaha sige na. Mag-wish kana Ate," mabilis ko namang hinipan ang kandila.
"Okay, magsiupo na tayo't lalamig ang pagkain," Papa.
"Pasensyahan mo na anak at ito lang muna ngayon, baka maya makapagluto ako," Mama.
"Ang importante po kasama ko kayo, salamat sa inyo Ma at Pa," nginitian ko sila.
Masaya naming pinagsaluhan ang agahang niluto ni Mama at ang chocolate cake na binili ni Papa.
~~~
"Happy Birthday! :)" Aislin.
"Happy Natalday, Galing sa kaibigan mong sobrang gwapo," Jon.
Natawa ako sa message ni Jon kahit sa text ang loko nya parin.
"Happy Birthday! :)" Ck. Hay porket magsyota na pati text nila parehong pareho.
"Maligayang Kaarawan Loisa ko," Ronnie.
"Ano daw? Loisa ko?" Napangiti ako sa nabasa.
As expected bumilis tibok ng puso ko. 'Di ko alam na ganito epekto ng lalaking 'yon sa akin!
Niyakap ko nang mahigpit ang throw pillow at nagpigil tumili.
Humiga ako sa sofa at itinuloy ang pagbabasa ng message galing sa mga kamag-anak ko sa probensya at mga kaklase ko.
"Hay, greeting lang lahat. Wala man lang ba silang pa surprise?" Sa likod ng utak ko.
Sa totoo lang ang boring ng araw ko kaninang umaga ko lang ramdam na kaarawan ko. Ngayong hapon parang wala na.
"Ma, simba lang po ako," paalam ko.
Humarap ako sa tv namin para manalamin, tinatamad akong pumasok sa banyo e.
Sa pag-aayos ng buhok ay nakuha ng atensyon ko ang isang paper bag.
Dahil gusto kong makita kung ano ang laman e nilapitan ko.
"Lights?" tanong ko sa sarili. "Ma, kaninong paper bag 'to?" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...