Chapter 11

390 12 2
                                    

Loisa's POV

Kakatapos lang namin magsnack. Pinauna ko na silang bumalik sa silid aralan, nagpaiwan ako sa canteen para makapag-isip ng gagawin bukas.

Forth monthsary na kasi namin ni Jameson. Gusto kong i-surprise sya. Nang makabawi na rin ako sa pag-away ko sa kanya.

Kahit 'di sya nagrereply sa mga text ko, hindi ko sya susukuan at lalong hindi ko sya bibitiwan. Dapat kaming mag-usap para maayos na itong tampuhan namin.

At mangyayari lang iyon kung magkikita kami. Di nya kasi sinasagot tawag ko kaya pupuntahan ko nalang sya.

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin kong may nakatayo sa harap ko. "Pwedeng makiupo?" Tanong ng lalaking may dalang tray ng pagkain.

Matangkad sya parang basketball player at oo, may itsura sya. "Oo, sige lang. Aalis na rin naman ako." Nginitian ko sya.

"Salamat." Umupo siya at agad sinimulang kainin ang pagkain nya.

Nakatingin lang ako sa kanya, tila takot syang maubusan ng pagkain sa sunod-sunod nyang salok at subo ng pagkain. Gutom na siguro kaya parang hinahabol kong kumain.

"Teka..." Parang pamilyar sya. "Ahmm.." Ngayon ko lang napansin.

Natigil ang pagsalok nya ng kanin dahil sa sinabi ko. "Bakit?" Tanong nya matapos ilagay ang kutsara.

"Kung hindi ako nagkakamali, ka-team mo si Jameson sa basketball?" Namumukhaan ko kasi sya.

"Oo." Agad nyang sagot saka sumubo ulit.

"Tama nga ako." Ngiti. "Nakita mo ba sya?" Nakita ko sya mensan, kasama ni Jameson at ng iba pa niyang ka-team hindi ko nga lang alam pangalan nya.

"Kahapon nagkita kami, inaya nya kasi akong maglaro bukas ng hapon." Nguya.

Wala ba syang planong magpakita sa'kin at may schedule pa talaga syang laro. Nakalimutan niya bang espesyal ang araw bukas o kinalimutan nya? Ayaw kong mag-isip ng kong ano pero 'di ko mapigilan. Gusto kong maging positibo, na maaayos din ito. Pero may parte ng katawan ko na nagsasabing hindi ayon sa gusto kong maging resulta ng usapan namin.

"Saan?" Lakas loob kong tanong sa kanya, nagpipigil na malukot ang mukha.

"Mula sa gate ng school natin pakanan tapos sa may dalawang kanto papasok, makikita mo ang basketball court." Sabi nito.

"Salamat, sige at baka maabala pa kita sa pagkain. Salamat ulit."

"Okay lang yon."

"Mauna na ako." Sabay turo ng daan na lalakarin ko paalis. Tinanguan nya ako na sinuklian ko ng ngiti saka umalis.

So bukas ng hapon ang laro nila. Tamang tama bukas ng alas-tres libreng oras namin. Kailangan ko nang magpagawa ng cake, iyon lang kasi ang kaya ng bulsa ko. Marami pa akong gustong bilhin pero wala na akong pera, kaya cake nalang. Ang importante ay hindi ko makalimutan ang espesyal na araw bukas, okay nanga sa'kin na walang kong anong bagay basta mabati nya lang ako, okay na sa'kin.

"Hoy!" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sigaw mula sa likod.

Nilingon ko sya. Dalawa sila at tingin ko ang tumawag sa'kin ay ang babaeng nakataas ang kilay. Mga tatlong hakbang lang ang layo ko sa kanila.

Humakbang sila ng isang dangkal. Biro lang. Syempre isang hakbang. Saktong nasa harap na nila ako.

"Anong kailangan mo HOY?" Diniinan ko ang huling salita. Kong maka-Hoy sya sa'kin e. Pwede namang miss o mag-excuse man lang sya. Hoy talaga!

Gusto kong tumawa, may iingat pa pala ang kilay niyang nakataas na kanina pa, konti nalang at nasa noo nya na ito. Halata namang drawing lang.

"Anong sabi mo?" Maganda sya pero bingi. Alam kung maling mamintas pero 'di ko maiwasan, paglingon ko pa lang kanina kita ko na ang katarayan nya.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon