Loisa's POV
Umuga ang kama nang humiga ako. Katatapos ko lang maghugas ng mga pinggan. Nauna na ako dito sa kwarto, wala ako sa mood manuod ng palabas.
Tumagilid ako pakaliwa paharap sa bintana, dinampot ko ang cellphone nang tumunog ito.
"Good Evening," text ni Ronnie.
Ibinalik ko ang ang cellphone pagkatapos kong basahin at gumulong sa kabilang parte ng kama.Ayaw ko mag-reply. Nahihiya ako sa kanya dahil sa ginawa ko kanina.
Bakit ko ginawa iyon? Hindi ko rin alam. Basta ginawa ko lang.
Pansin ko rin kasi na iba na iyong turing nya sa akin. Kaya ko siguro nagawa iyon, pakiramdam ko parang may kakaiba na syang pagtingin sa akin. Hindi naman sa nag-a-assume akong gustuhin nya 'ko. Ramdam ko lang ang kakaiba nyang pinapakita sa akin, hindi naman ako manhid para 'di ko iyon mapansin.
Hindi ko na tuloy alam kong pa'no sya pansinin matapos mangyari 'yon. Hanggang ngayon ayaw mawala ng tunog ng dibdib nya sa tainga ko.
"Hooo!" sabay pakawala ko ng hininga.
Dinampot ko ulit ang cellphone at nagtipa, "Likewise. :)" at saka ko sinend.
Ilang segundo lang ay nag-reply sya, "Pasensya na kong 'di kita kinausap kanina."
Magre-reply na sana ako nang bigla syang tumawag. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama.
Sasagutin ko ba? Nahihiya ako e. Pero ang pangit naman kong 'di ko sagutin.
Okay sige, pinindot ko ang answer button. "Hello," una nyang bati.
"He-hello," nag-aalangan kong tugon. "Sorry kanina."
"Nailang ata kita," narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.
"Medyo?" tumawa ako. "'Di ko dapat ginawa 'yon."
"Kung ano man narinig mo kanina---" tumigil sya nang ilang sigundo. "Pinakaba mo 'ko e."
Natamihik ako nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nakapa ko ang dibdib ko. "Anong nangyayari? Hoy!" tanong ko sa sarili. "Puso tumigil ka!""Kung ano man pakiramdam mo sa nangyari kanina, iyon na yun," bakit ba ang seryoso nya ngayon.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Basta," mahina syang tumawa. "Hindi pa ako handang sabihin e, pero may clue ka na."
Gusto nya na ba ako? Naiisip ko pa lang. Bakit kinikilig na ako? Tama diba? Kilig 'to?
Iyong pakiramdam na may kung ano sa tyan ko, dagdag ko pa itong puso kong nagtatalon.
"Sana 'di ka mailang, baka mailang rin ako e." paliwanag nya.
"Ahmmm-" wala akong makapang salita, wala akong masabi. "Ahh-- oo naman!"
"Sige, good night. Tulog kana, baka nakaabala na ko."
"Hindi!-- magsalita ka pa," wala sa sariling kong sagot.
"Huh?" nagtaka.
Nasapo ko nalang ang mukha ko. Ano ba pinagsasabi ko. "Ahh- sabi ko good night rin."
"Ahhh.. okay," tumawa sya saka ibinaba ang telepono.
Humiga ulit ako sabay lapag ko ng cellphone sa tabi ko.
Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. "Anong nangyayari," tumayo ako at humarap sa salamin malapit sa kabinet. "Ang pula ko," hinaplos-haplos ko ang pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...