Chapter 10

431 14 2
                                    

Ck's POV

"Andito na tayo." Bumaba na ako ng kotse matapos kong maipark ito.

Bumaba narin sya at binuksan ang pinto sa likod para kunin ang gamit niya. "Ako na dyan bro." Pag-insist ko.

"Kaya ko." Kinuha niya na ang bag.

Wala narin akong nagawa, hinayaan ko na. Baka masakal sya sa kakasaway ko sa gusto niyang gawin.

"Mauna na 'ko." Sabay lakad nito. "Nga pala may mga pagkain dyan sa compartment dalhin mo nalang." Pahabol nitong sabi bago pumasok sa maliit na bahay na inupahan namin.

Binuksan ko ang compartment, bumungad sa akin ang mga snacks na kadalasan ay matatamis at mga maliit na kahon na may laman na cupcakes na may kasama pang card.

"I Like You, Ronnie." Pagkabasa ko pa lang ng isang card ay alam ko na kong kanino galing ang mga 'to.

Isang dahilan kaya lumipat kami ng school dahil sa mga babaeng habol ng habol at nagbibigay ng kong ano-anong bagay sa kanya para lang mapansin nya. Isang rason din kaya 'di sya tinitigilan nito ay tinatanggap niya ang mga regalo, kasi sabi niya pa ayaw nyang makasakit ng damdamin ng babae.

Bilib rin ako sa kanya maingat pagdating sa mga babae.

Dinala ko na lahat ng 'yon at pumasok na sa bahay, naabutan ko sya sa sala nanonood ng tv.

"Ang dami nito bro huh!" Nilapag ko ang dala sa mesa.

"Sayo na iyan." Sabi niya nang hindi ako tinitignan.

"Masisira ngipin ko nito." Binuksan ko iyong isang chocolate bar.

"May nagbibigay rin ba sayo?" Tanong nya.

"Oo meron pero 'di gaya ng sayo." Nakakatanggap rin ako, syempre may itsura naman ako kahit papano, may humahabol rin. Sana si Aislin nalang humabol sa'kin.

Di na sya sumagot pa nang biglang nagring ang phone. Inabot nya iyon at pinatay ang tv bago sinagot.

"Hello Mommy." Bati nito.

Umupo ako sa sofa katapat ng inupuan niya.

"Okay lang kami, wala kayong dapat ipag-alala." Masigla nitong sabi sa kausap sa kabilang linya.

"Gusto ka daw kausapin ni Mommy." Inabot ni Ronnie sa'kin ang phone niya.

"Hello Tita?" Bati ko.

"Kumusta ka?" Tanong nito.

"Gaya ng sabi ni Ronnie, Tita. Okay'ng okay lang kami dito."

"Basta 'pag may problema tawagan mo agad ako. Lalo na kung tungkol kay Ronnie."

"Oo naman po Tita. Alam na alam ko 'yan."

"Salamat talaga Ck at lagi kang andyan." Masayang sabi nito.

"Walang anuman. Parang kapatid ko na rin itong si Ronnie kaya 'di ko sya pababayaan."

"Buti naman. Sige good night sa inyo wag kayong nagpupuyat dyan."

"Good Night rin Tita." Inabot ko ulit kay Ronnie ang phone at gusto pa sya nitong makausap.

Ganyan iyang Mommy ni Ronnie masyadong mag-alala kulang nalang ireport ko lahat ng ginagawa namin para lang masigurong hindi sya mag-alala kakaisip kong ano na kalagayan namin dito.

Umakyat muna ako sa taas para magbihis. Binigyan ko narin ng privacy ang pag-uusap ng mag-ina.

Bumaba rin ako ng makapagbihis. "Gusto mo pa bang kumain?" Tanong ko sa kanya saka tumabing umupo sa sofa.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon