Chapter 9

373 10 1
                                    

Loisa's POV

Humingi ako ng paumanhin kina Ronnie at Ck sa away namin ni Jameson.

Naintindihan naman nila't tinanong pa ako kung okay lang ba ako. Syempre ang sagot ko "oo" kahit sa loob ko hindi.

Tinuloy narin namin ni Ronnie ang project sa sala at umalis na si Ck para puntahan ulit si Aislin.

"Ikaw ba may kalukuhan o kakaiba ring naiisip? " Di na kasi nagsasalita itong si Ronnie.

"Huh?" Nagtatakang tanong niya. Simula nong nakita niya kaming mag-away ni Jameson ang tahimik niya na.

"Di ordinaryong naiisip mo." Ulit ko. "Hindi ka naman siguro laging ganyan 'di ba?"

Tumango sya, nag-iisip. "Merun din."

"Gaya ng ano?" Ako.

"Gaya ng... Kung may pakpak kaya ang mga kotse wala ng trapik?" Ronnie.

"Hahaha. Ano pa?" Ako. "Ano pa ba?" Dagdag ko pa nang hindi sya nagsalita dahil may idinikit sya sa project namin na kong ano.

Tumawa sya. "Ito, gusto ko gawan ng cover court iyong lugar namin para hindi mainit." Napakamot sya sa sinabi. "Di ba? May bubong kana may cover court pa ang bahay nyo kaya 'di narin mainit sa labas." Dagdag niya.

Tignan mo nga naman may tama rin pala mensan itong si Ronnie, normal na tao nga sya. Hahaha. Akala ko ako lang e.

"Ako naman, halimbawa wala nang mapaglagyan ng bahay dito sa lupa gusto ko gumawa ng ikalawang palapag at dun na itayo iyong ibang bahay." Ako.

"Tinalo mo cover court ko huh! Hahaha. Paano iyon ang daming haligi non? Isa pa madilim sa baba, sa lupa." Nag-isip pa talaga sya ng magiging problema kung sakaling mangyari nga iyong sinabi ko.

"Problema ba 'yan edi lagyan ng ilaw!"

Tawanan ulit kami. Pati si Wyatt na nakaupo ay natawa ng marinig ang pinag-usapan namin. Si Jaxon naman ay nasa harap ng tv nanonood ng power ranger. Habang si Aria ay tulog sa upuan sa likod namin. Sa sahig naman kami umupo para mas komportable.

Natigil kami nang may kumatok sa pinto. Baka si Ck? Pero maaga pa. Quarter to Three palang.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Ohh ang aga nyong umuwi?" Tanong ko sa mga magulang ko nang bumungad sila sa pagbukas ko ng pinto.

"Naubos na kasi ang bigas, sabi naman ng supplier bukas pa nila maihahatid ang order namin." Papa.

"Kaya minabuti na naming umuwi." Mama.

Nagmano ako sa kanila. "Ganon ba."

Nagsitakbuhan ang mga kapatid ko para magmano at pati narin si Aria, nagising ata nang marinig nito ang boses nila Mama.

Lumakad na sila papasok.

"Nga pala Ma, Pa. Kaklase ko si Ronnie." Pakilala ko sa kanya nang makatayo ito.

Lumapit sya kina Papa at nagmano. "Magandang hapon po Tita at Tito." Nakangiti nitong bati sa mga magulang ko.

Nakatitig lang sila Mama sa kanya. Siguro dahil nagulat sila sa pagmano nito. Para sa kanila unusual iyon lalo na at kakakilala lang nila. Higit sa lahat lalaki sya. Gustong gusto pa naman ni Papa ang mga lalaking may respito sa nakakatanda.

"Ang gwapo 'no?" Biglang singit ni Jaxon na pansin ang pagkatigil ng magulang namin.

Pumalakpak ako para magising sila. "Ma, Pa. Ano na?" Ginalaw galaw ko pa ang kamay ko sa harap nila.

"Pagpalain ka ng Diyos." Papa.

"Bait ng batang ito." Mama. "Welcome sa maliit naming bahay pagpasensyahan mo na."

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon