Ronnie's POV
Alas singko nang bumyahe kami pauwi. Una naming hinatid ay si Aislin tapos si Loisa, saka dumiretso sa bahay na tinutuluyan namin.
"Bihis lang ako bro," Paalam ko kay Ck.
"Sige."
Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Matapos ay nag-ayos sa kwarto, medyo makalat kasi at bumaba na ako.
Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay binuhos ko ang tirang tubig sa lababo at nilagay ang baso do'n.
Palabas na ako ng kusina nang tumunog ang doorbell, narinig kong tinungo ni Ck ang pinto kaya sumunod rin ako.
"Kuya Ck!" Rinig ko.
Boses palang kilala ko na kong sino ang bisita namin.
Nang makarating ako sa sala ay nakita ko syang kausap si Ck sa may pinto.
"Papasukin mo na 'yan." Napalingon naman si Ck sa sinabi ko. Nagbigay daan rin iyon para makita ko sya.
Ang taong kamukhang-kamukha ko. Ang katawan, ang tindig at lalo na ang kagwapuhan. Biro lang.
"Kuya!" Tumakbo sya palapit sa akin sabay akap.
Gumanti naman ako. "'Di mo sinabing ngayon ka pala pupunta."
"Namiss kita." Iniharap nya ako habang tapik-tapik ang balikat ko. "Kumusta?" Ngiting-ngiti nyang tanong. Halatang ang dami nyang gustong malaman.
"Okay lang ako, si Ck tanungin mo."
"Ganon lang naman si Kuya Ck. Ayaw paring tinatawag ko syang kuya." Tumawa ito habang nakatingin kay Ck.
"Nakakailang e. Magka-edad lang naman tayo."
"Anong maka-edad, hindi huh. Mas matanda si Kuya Ronnie ng labing-anim na segundo." Tugon nito.
"Haist! Kausapin mo ang kambal mo na 'yan Bro." Ck.
Hindi na bago sa akin ito. Laging silang nagbabangayan, nagkukulitan at naghaharutan pa. Parang kapatid narin kasi namin itong si Ck. Ayaw na ayaw nga lang nito na tinatawag sya ni Ar-ar ng Kuya, kasi para sa kanya magka-edad lang kaming tatlo pero itong kambal ko ganon parin ang tawag sa kanya. Wala rin naman akong magawa kasi Kuya rin ang tawag nito sa akin dahil nga sa ilang segudong agwat namin.
"Tama na iyan Ar-ar. Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko.
"Oo, tapos na. Pero kung magpapamerienda ka, okay lang naman." Pinataas-baba nya pa ang kilay nya.
Though, pareho kami ng mukha magkaibang-magkaiba ang ugali namin. Kapag may naisip syang biro sinasabi nya agad. 'Di tulad ko pinag-iisipan ko pa.
Natawa ako. "Okay."
"'Yan ang gusto ko sa'yo kuya e." Nakangisi na ito ngayon.
Nagpa-deliver naman agad ako ng dalawang box ng pizza at tsaka inumin. Sa sala namin pinagsaluhan ang pagkain habang nagkukwentuhan.
"Alas dyes na, dito kana matulog." Suhesyon ko sa kanya nang nagpupumilit itong umuwi.
"Hindi, hinihintay ako ng kaibigan ko dun sa kanila." Tumayo sya. "Isa pa, may pasok bukas. Babyahe pa kami."
"Mas gusto mo pang makasama ang mga yun kisa sa kambal mo." Sumandal ako sa sofa nang nakatingin sa kanya.
"Nagtatampo kana nyan." Umuga ang upuan nang tumalon sya sa tabi ko paupo. "Sige nanga. Dito na po matutulog."
"Hatid ka nalang namin bukas ng maaga sa kaibigan mo." Ck.
"Salamat Kuya Ck."
"Sabing 'wag mo akong tawagi--" Napakamot sya sa noo. "Nagbago na isip ko 'wag nalang, pauwiin mo na 'yan." Banat ni Ck sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...