Loisa's POV
Lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin sabay hugas ko nang kamay.
Pabalik na sana ako sa room nang tawagin ako ng isang lalaki.
Si Jameson.
Ang tagal ko narin hindi sya nakita mula nung suntukin nya si Ronnie.
"Anong atin?"
Wala na akong sama ng loob sa kanya, ayaw ko nang may galit sa puso ko. Ako din naman mahihirapan kung 'di ko sya patatawarin.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Ngayon? May klase pa ako."
"Hindi na ako makapaghintay e," napakamot sya sa ulo nya at ngumiti.
Matagal ko na rin hindi nakita ang ngiti nya, at ang dimple nya. Kung titignan mo sya ngayon para sya walang bahid ng kalokohan, ang linis nya tignan sa kulay navy blue na polo shirt.
"Ano ba sasabihin mo?"
Ginala nya ang tingin sa paligid. Ayaw nya na may tao. "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa lahat ng nagawa ko sayo--- at kay Ronnie."
Parang 'di sya mapakali sa harapan ko, galaw sya ng galaw. "Ngayon ka pa nahiya sa akin, masyado kang tensyonado," tatawa-tawa kong sabi sa kanya. "Magsalita ka ng komportable para wala naman tayong pinagsamahan."
"Ewan ko nga kung bakit e," tawa. "Nahihiya ako, sa dami ng ginawa ko sayo sapat na iyon para nipisan ko na ang kakapalan ng mukha ko."
"Matagal na iyon, ano ka ba. Kilala mo ko."
"Kaya nga mas nakakahiya kasi ang dali mong magpatawad, hindi ko nga alam kung deserve ko ang salitang 'yan---- ginago at sinaktan kita."
Bumalik tuloy sa utak ko ang mga nangyari, ang dami nga pala. Hindi ko alam ilang luha ang inubos ko nung makita ko syang may kahalikan. Good thing is kahit naiisip ko sya e hindi na ako naaapektuhan. Tinatawanan ko na nga lang.
Imagine 'di ko akalaing malalampasan ko iyon, sobrang sakit nun. Pakiramdam ko ikamamatay ko. Ngayong naka-move-on na ako gusto ko nalang tumawa, kasi naisip ko din kung ano gagawin ko, kung matutuloy pa ba ang buhay ko.
Ngayong wala na ako sa ganong sitwasyon hindi ko mapigilang mahiya sa sarili ko. Ang over acting ko nun! Pero talagang masakit.
Sabi nga nila kapag napapalibutan ka ng mga taong may pakialam sayo, hihilom ang sugat. Sila iyong nagiging gamot sa kakulangan ng taong sinira ka at ang oras na tumulong para ilihis ka sa lungkot at dalhin sa bagong pahina ng buhay mo.
"Okay, then. I'll accept your apology," nginitian ko sya.
"Ini-expect ko na 'yan," tumawa sya. "I know you, isa 'yan sa nagustuhan ko sayo. Sayang mga lang pagmamay-ari kana ng iba. I choose to be with you pero--- ayon gago e," tinignan nya ako ng mabuti. "Salamat, hindi man ako naging matinong boyfriend, salamat sa pagtatyaga mo sa ugali ko at pagmamahal mo," nag-alangan pa sya sa huling dalawang salita.
"Maging masaya naman tayo, may mga nangyari lang talaga na 'di natin inasahan, madaming ganap ang buhay e magugulat nalang tayo."
"So friend?" Tumango lang ako at nginitian sya.
"I hope masaya ka kay Ronnie, send my regards and apology to him."
"Sasabihin ko."
"Iyon lang naman gusto ko sabihin, closure," ngumiti sya. "For the last time, can I atleast have a hug? Kung okay lang?"
Pinagbigyan ko sya sa gusto nya. Huli na naman ito. "See you around, mauna na ako," kita ko ang ngiti at saya sa mga mata nya nang maging maayos ang usapan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...