Ck's POV
"Hintayin mo 'ko!"
Sigaw ko kay Aislin. Kulang nalang kasi patakbo na ang lakad nya sa bilis nitong humakbang.
"Ano ba galit ka ba sa akin?"
Hindi nya ako nilingon. Hinabol ko sya. "Ano ba!" Hinigit ko sya sa pulsuhan.
Ang sama ng tingin nya sa akin. "Galit ka kaya 'di mo ko sinasagot."
"Alam mo naman pala bakit nagtanong ka pa?" Pagtataray nya at tinalikuran ako.
Napahinga nalang ako ng nalalim. Ito na naman sya e paggalit.
Hindi ko na sya kinausap at kinulit. Sinundan ko nalang sya. Ang importante alam kung wala na sya ginagawang iba.
Aware akong maldita sya pero ang inaaway nya lang naman e yung nangangaway ng walang laban.
Natatakot ako minsan kasi baka ano magawa nya o baka maging labis ang magawa nya sa mga kinakalaban nya.
Bigla syang tumigil, kaya napatigil din ako. Hinarap nya ko. Nasa mukha nya ang presenya ng isang mainit ang ulo nya.
"Bakit mo ba ako sinusundan? Gusto kong mapag-isa!"
Napaturo ako sa sarili. "Ako? Ako ba tinatanong mo?" Tinaasan nya ako ng kilay.
Ang maldita nya lalo kapag galit. "Ano ba kasi 'yang tanong mo, syempre sinusundan kita dahil boyfriend mo ko at girlfriend kita."Hindi umepekto ang banat ko, wala syang reaksyon.
"Nainis lang talaga ako kasi sinigawan mo si Loisa!"
So, iyon pala ikinagalit nya.
"Nag-sorry na ako, hindi ko sinadya. Nadala lang ako ng sama ng loob."
"Hindi e, dapat nag-isip ka. Alam mo ba ang nangyari?"
"Hindi kaya---"
"Iyon na nga hindi mo alam pero sinisi mo sya?"
"Hindi ko sya sinisisi, nagtatanong lang ako."
"Pero mali paring sigawan mo sya!"
"Hindi ko nga sinadya iyon at humingi na ako ng dispensa kay Loisa. Nadala lang talaga ako ng pag-alala kay Ronnie."
"Pero---"
"Tama na Aislin, pabalik-balik lang tayo. Hindi tayo matatapos nito. Isa pa 'wag mo akong sigawan," napalunok sya sa sinabi ko. "Pag-usapan natin 'to ng maayos, nang walang sigawan okay? Ayaw kong sinisigawan mo 'ko."
Ang hirap nyang paamuhin. Sobrang hirap. Buti mataas pasensya ko.
Lumapit ako sa kanya at inakbayan sya. "Balik na tayo sa room, baka gutom na sila," inangat ko ang pagkaing dala ko.
Hindi sya nagsalita, parang batang napagalitan. Ang galing nya talaga magpa-guilty.
"Okay na tayo huh?"
Umiling sya. Inalis nya ang kamay ko sa balikat nya at tumakbo palayo. "Hindi tayo bati!"
Napakamot nalang ako sa ulo. "Bahala ka, okay na tayo! I love you!"
"I love you to--- este! Ewan ko sayo!" At hinayaan ko na syang tumakbo.
Natawa ako sa sinabi nya, binawi nya pa. Halatang 'di na sya galit e.
"Hintayin mo 'ko!"
"Bahala ka dyan!"
At tumakbo na sya ng mabilis habang ako ay nakasunod lang.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...