Loisa's POV
Nagitla ako nang makita ko silang inaayos ang tatlong mesa. Lalo na nang makakita ako ng hindi pamilyar na mukha.
Sino sila?
Bakit nandito silang lahat?
"Ate!" Tawag ni Aria.
Andito sila Mama at Papa kasama ang mga kapatid ko. May dalawang tao rin na hindi ko kilala. Mukhang close sila ni Ck dahil nagtatawanan sila.
Kinawayan ako ni Ronnie. Bigla akong kinabahan sa ngiti nya.
Magulang nya ba sila? Kahit malayo kita kong hawig nya ang dalawa.
"Ate!" Tawag sa akin ni Aria.
Naglakad ako patungo sa kanila sabay sa tambol ng dibdib ko. Ang bigat ng hakbang ko. Gusto kong lumihis ng direksyon at umalis dito. Kinakabahan talaga ako e.
"Ma," nilingon nya ako. "Ikaw nagluto nito?" Pamilyar kasi iyong mga lalagyan.
"Oo, sabi ko sayo kanina 'di ba? Magdadala kami ng lunch nyo. Gamit ko pagluto olive oil, pwedeng kumain nito si Ronnie."
Tumango-tango lang ako. Sinabi ko na kay Mama iyong kondisyon ni Ronnie, nagulat din sya sa nalaman. At sigurado akong si Papa ay alam narin.
"Ito na ba ang anak mo?" Tanong ng kahawig ni Ronnie kay Papa.
"Oo pare, girlfriend ng anak mo."
Pare? Close na agad sila?
God! Alisin nyo na ako dito! Gusto kong maglaho. Saklolo!
Kahit gusto nang lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito ay pinilit ko paring ngumiti.
"Ang gandang bata," puri ng katabi ng lalaki, Mommy ni Ronnie. "Anong pangalan mo iha?"
"Loisa po, nice meeting nyo po," kabadong tugon ko.
Jusko matatae ako sa nerbyos!
"First time nagka-girlfriend itong si Ronnie kaya sobrang saya ko," masiglang sabi ng Daddy ni Ronnie. "Kaya anak 'wag mong sasaktan 'yan."
Pumula ang mukha ni Ronnie "Opo, hinding hindi."
Pakiramdam ko parang nasa gitna ako ng stage lahat sila nakatingin sa akin. Nanginig tuloy tuhod ko.
"Si Ck, girlfriend na nya si Aislin," singgit ni Jon.
Sa kanila naman nabaling ang atensyon ng lahat.
"May relasyon po pala kayo Kuya Ck at Ate Aislin?" Jaxon.
"Akala ko po magkaibigan lang kayo?" Aria.
"Iyon ang lagi nyo sinasabi sa amin." Wyatt.
Bakit parang interrogation ang nangyayari dito? Natawa nalang kami sa mga tanong nila.
"'Wag kayong makisali," sita ni Mama sa mga kapatid ko.
"May girlfriend kana rin pala Ck, wala kang sinasabi, naglilihim kana sakin ngayon huh," nakangising sabi ng Daddy ni Ronnie.
"At magkaibigan ang naging girlfriend nyo ni Ronnie," tatawa-tawang pahayag ng ina ni Ronnie.
"Nagkataon lang talaga," natatawang ambag ni Mama.
"Mababait naman ang mga batang ito kaya wala tayong dapat ipag-alala," proud na sabi ni Papa.
Na-overwhelm kami sa mga papuri nila.
"Mama, 'di pa ba tayo kakain?"
Biglang tanong ng bunso kong kapatid kaya maging malakas ang tawa sa mesa namin.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...