Loisa's POVSobrang saya ng debut ko kaya kahit ilang araw na ang lumipas, malinaw parin sa isip ko ang mga nangyari sa araw na iyon. Hang-over.
Lalo na lagi kong kasama itong si Ronnie kaya hindi agad mawala sa akin ang presensya ng party na yun.
"May problema ba sila?"
"Hindi ko alam," sagot ng katabi ko.
Panay kalabit kasi si Ck kay Aislin. Ang kaibigan ko naman ayaw sumagot. Anong problema nila?
"Kausapin mo na ako, ang tagal na nun," Ck.
"Ayaw mong sabihin ang rason," ayan ang sungit. "Iniwan mo ko kina Loisa! Nakisakay pa 'ko sa iba," singhal nito.
Hindi ko alam na kasali pala ako sa away nila.
"Sabing may emergency lang e," paliwanag ni Ck.
Gusto nya talaga kaibigan ko 'di man lang sya nainis kahit medyo sinigawan na sya ni Aislin.
"Ano ngang emergency!?" Pangungulit nya sa nodyo.
"Wala naman akong ginawang masama," Ck.
"Bahala ka nga," ayun lumabas sya sumunod naman si Ck habang si Jon tawa lang ng tawa sa pag-aaway nila.
"Kapag naging tayo, 'wag tayong mag-away. Tulad nun," biglang sabi ng katabi ko. "'Di kaya ng puso ko."
Ang hilig nyang manggulat. May patapik tapik pa sya sa dibdib nya at emosyon na para bang masakit talaga.
"Pinagsasabi mo?"
"Nevermind," sagot nito at bumalik sa paglalaro sa cellphone nya.
"E-kiss kita dyan e," ngayon sya naman ang nagulat. Akala nya sya lang may kayang kimikiti ng feelings.
Bumalik tingin nya sa akin at kita kong namula ang tainga nya. Tumawa ako. For sure naalala nya iyong ginawa ko sa kanya nung birthday ko.
Nangatal sya nang maglapat ang labi namin sa isa't isa. Dalawang segundo rin iyon at mabilis syang lumayo sa akin at nilapag ang cake sa kama ko.
"Bakit mo gi-ginawa 'yon?" Namilog ang mga mata nya sa gulat. "Huh? Hindi dapat ta-tayo---" lumayo sya sa akin habang hinihimas ang dibdib nya.
Nagulat ko ata sya. 'Di ko sinasadya, pero 'di ko rin sasabihing 'di ko 'yon ginusto.
Ang likot nya 'di mapakali habang hinihilot ang batok gamit ang kanang kamay.
Ako, walang nagawa kundi ang tumawa sa naging reaksyon nya.
"Anong ibig sabihin nun?"
"Tayo na," mabilis kong sagot.
"Huh? Bakit?" Nagtaka ano sa tanong nya. Anong bakit?
"Bakit?" Ako. "Sinasagot na nga kita," paliwanag ko.
"Ayoko!" Nasa may pinto na sya nang sabihin nya 'yon.
Anong ayaw nya? Di ko sya maintindihan.
"Gusto kong ligawan ka, ayaw kong sagutin mo agad ako!" Pinasadahan nya ng kamay ang buhok nya.
He's unbelievable! Akala ko kung ano na. Usually 'di ganyan reaksyon ng lalaki kapag sinagot agad sila nito na maging boyfriend. Dapat maging masaya sya.
Kakaiba talaga sya! Anong point ng pangliligaw nya kung alam nya namang sasagutin ko din sya.
"Gusto ko maranasan mangligaw," at parang nabasa nya pa ang iniisip ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...