Chapter 8

383 8 0
                                    

Loisa's POV

"Nag-agahan na ba kayo?" Tanong ko nang makaupo sila.

"Tapos na kami." Ronnie.

"Buti nalang." Tawa. "Kakabahan ako kung wala pa, wala na kasing ulam."

Natawa sila sa sinabi ko. Totoo naman kasi, iyong ulam tama lang para sa amin magkakapatid.

"May pinagmanahan pala iyong kapatid mong babae."

"Di huh iba ako sa kanya. Di ko nga pala kayo naipakilala sa mga kapatid ko." Akmang tatawagin ko sila kaso nagsalita si Ronnie.

"Okay lang kumakain pa sila." Ronnie.

"Ahh oo nga baka mabitin." Pagsang-ayon ko.

"Nga pala alis na ako." Ck. "Ngayon rin kasi namin sisimulan ni Aislin ang project."

"Huh? Hindi ba partner ni Aislin si Jon?" Tanong ko.

"Nagpalit sila ni Jon." Ronnie.

"Pero bakit?"

"Kasi hindi daw sila magkasundo kaya ito ang nangyari." Ck.

Tumango nalang ako. Nagpalit pala sila, edi ang saya ni Aislin ngayon, kapares nya crush nya.

Di man lang ako sinabihan.

"So mauna na ako." Sabay turo nito sa pinto at inayos ang packbag na nakasabit sa balikat nya. "Ron dito ka lang. Tawag ka lang kung may kailangan ka." Bilin nito kay Ronnie.

"Alam ko." Ronnie.

"Sige tutuloy na ako." Ck. "Loisa, alis na ako." Sabi nito at tinalikuran na ako.

Ano ba pinag-alala nitong si Ck? E gagawa lang naman kami ng project.

"Kain muna ako huh? Mabilis lang." Ako.

"Its okay, take your time." Inayos niya pag-upo niya at itinabi ang packbag.

"Buksan ko nalang ang tv para 'di ka mainip."

Binuksan ko ang tv at binigay sa kanya ang remote saka ako pumunta ng kusina para makakain na.

Naabutan ko silang nagliligpit na. "Ako na dyan. Samahan nyo nalang si Ronnie sa labas. Huwag mong kulitin Aria huh? Behave." Bilin ko kay Aria.

"Sino po ba don ang Ronnie Ate? Dalawa sila 'di ba?" Tanong ni Wyatt.

"Baka pareho sila ng pangalan Kuya." Nag-iisip pang sabi ni Jaxon.

Natawa "Makikita nyo paglabas nyo sa sala." Ako. "Umalis na kasi iyong isa."

"Sige Ate." Aria, sabay takbo palabas at sumunod ang mga Kuya.

Kumain na ako, niligpit ko narin ang lahat ng pinagkainan, nagwalis at naghugas ng plato saka ako nagsipilyo. Nang matapos ako sa gawain sa kusina ay inayos ko na ang sarili ko bago pumunta ng sala.

Nadatnan ko silang nakapalibot kay Ronnie. Sa kanan nito ay nakaupo si Wyatt habang nagbabasa ng comic, sa kaliwa naman ay si Jaxon na may hawak na phone na alam kong pagmamay-ari ni Ronnie. At si Aria na nakakandung sa bisita habang pinapakita nito ang laruan niya dito.

Close na sila? Parang mas close pa sila ni Aria huh.

Nang makalapit ako. "Jaxon sauli mo na iyang phone, nakakahiya sa bisita."

"Hayaan mo na nagpaalam naman siya ng maayos." Nakangiting sabi ni Ronnie.

"Ang daming laro sa phone ni Kuya Ronnie at ang laki pa nito." Nakatutok parin sa screen. "Mas maganda pa sa phone mo Ate."

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon