Dedicated to: BabyroseCarlos3 abosslotz_______
Loisa's POV
Valentine's Day
"All I wanna do and all I wanna be
All I wanna feel is something real
I want to believe that everything I do, from here on out will be... with you. It's gonna be with you"Kanta nya nang nagsasayaw kami nang nakayakap ako sa kanya.
"I love you so much, Loisa," bulong nya.
"Ako din," hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"I want to stay with you, forever."
Naramdaman ko ang higpit ng yakap nya sa akin. Para bang mawawala ako sa kanya sa higpit nito.
Sobrang mahal ko na ang taong ito, hindi ko na ma-imagine kung ano magiging araw ko kung wala sya.
"Me too, gusto kong makasama ka. Hanggang dulo," sambit ko.
"Sarap naman pakinggan no'n," saad nito habang naglakad kami palapit sa riles.
Mahinang humahampas ang hangin sa mukha namin at tinatangay nito ang buhok namin.
"Salamat sa pagdala mo dito sa akin," pinagmasdan ko ang buong syudad.
Niyakap nya ako mula sa likod at ipinahinga ang baba nya sa balikat.
"Baka naman madurog ang katawan ko sa yakap mo na 'yan."
"Hahayaan ko bang mangyari iyon. Sobrang ingat kaya ng yakap ko sayo," siniksik nya lalo ang mukha nya sa may leegan ko.
Magkadikit na masyado ang mukha namin. "May problema ba?"
Pansin ko parang may gusto syang sabihin. Nagdadalawang isip sya kaya dinadaan nya nalang sa lambing. Hindi ako sigurado.
"Wala," maikli nyang tugon at tumahimik. "Pero may tanong ako."
"Ano 'yun?"
"May makapaghiwalay kaya sa atin?"
"Anong klasing tanong 'yan?"
"Sagutin mo nalang."
Napaisip ako sa tanong nya. "Wala, kasi hindi ako papayag na mangyari iyon."
"Paano kung 'di mo mapigilan?"
Hinarap ko sya habang nakahawak parin sya sa bewang ko. "Hindi ko mapipigilan kung talagang mangyayari. Pero sigurado naman akong hindi tayo naghihiwalay."
Ngumiti sya. "Sana nga."
"Teka lang, bakit mo ba tinatanong 'to?"
"Natanong ko lang."
"Gusto mo ata makipaghiwalay sa akin e."
"Ayaw ko nga."
Kinalas ko ang kamay sya sa bewang ko. "Aba't may balak ka ngang hiwalayan ako?"
"Wala!" Niyapus nya ulit ako sa bewang.
Matalim ko syang tinignan at baka may mabasa ako sa mata nya. May kakaiba sa inaasta nya, sa mga tanong nya. Anong point nya sa pagtatanong nun?
![](https://img.wattpad.com/cover/185496833-288-k554076.jpg)
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...