Chapter 27

371 9 4
                                    

Ronnie's POV

"Rinig ko tibok ng puso mo," humagikgik sya. "Ang bilis."

Kung alam mo lang. Laging mabilis ang tibok ng puso ko, mas bumilis nga lang ngayon dahil sa sinabi mo.

"Masaya ka ba?" Tinapos nya na ang noodles at uminom ng tubig. Sumandal ulit sya sa akin. "Ganon kasi naramdaman ko nong sabihin mo rin sa akin ang tatlong salita na 'yon."

Hindi ko mapigilang ngumiti sa inamin nya. Gusto kong tumalon sa ligaya, ngayon malinaw na pareho namin gusto ang isa't isa.

"Uwi na tayo?" Sabi nya.

"'Wag muna," 'yan ang gusto kong isagot, gusto kong manataling ganito, kasama sya. Yung sa akin lang ang atensyon nya.

"Tara," marahan ko syang hinigit sa kamay. Nginitian nya 'ko.

Pabalik na kami, sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaki sa harap ng bahay ni Loisa.

Nakatingin ito sa cellphone nya at ilang segundo lang ay idinikit nya ito sa tainga nya.

Gamit ang kanang kamay hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa.

"Ck Calling..." bumungad nang buksan ko ang phone ko. Nakailang tawag na sya, hindi ko napansin dahil naka-silent ang phone ko.

Kinabahan ako bigla dahil alam kong magagalit na naman sya sa pag-alis ko nang 'di nagpaalam sa kanya.

Palapit na kami nang humarap sa direksyon namin si Ck. Agad syang nagmartsa palapit sa amin.

"Saan ka ba galing?!" Sigaw nya.

Nagulat si Loisa sa singhal ni Ck. Alam kong galit sya, kitang-kita sa mata nya na may halong pag-alala.

"Sabi ko sayong magpaalam ka e!" Napahilamos sya gamit ang mga kamay nya sabay sabunot ng buhok.

Halatang taranta sya at nag-aalala.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makita ko syang ganito. Ganito sya kapag 'di ko sya sinasama sa pinupuntahan ko. Ayaw nya raw na mag-isa ako. Baka ko ano ang mangyari sa akin.

"Hmmm, Ck okay lang naman kami?" Nag-aalangang sabi Loisa.

"Sorry, dyan lang naman kami sa kanto," namamawis ang kamay ko sa tumataas na tensyon sa pagitan namin. "Okay lang ako."

Hindi sya sumagot tinalikuran nya lang ako. Sinenyasan ko si Loisa na mauna na.

Bakas sa mukha nya ang pagtataka at mga tanong sa mata nya. Nag-alangan syang pumasok pero sinunod nya ako.

"Bro, please sorry. Ayaw ko lang istorbuhin ka sa pagtulog."

Nakapamewang sya at nakatingala. Ramdam ko parin iyong galit nya.

"Hindi mo parin talaga ako maintindihan," narinig ko ang paghikbi nya. Umiiyak sya? "Hindi mo alam kung paano ako natataranta, kakaisip kong saan ka pumupunta tuwing nawawala ka sa paningin ko!"

Kumirot ang puso ko nang mabasag ang boses nya, umiiyak nga sya.

"Tuwing ginagawa mo 'to. Gusto kong iwasan ka. Gusto kong magtampo at magalit sayo. Pero hindi ko magawa!" Nakita kong pinunasan nya ang mukha nya. "Hindi ko magawa dahil ayaw kong mapasama ka kakaisip kung bakit ako umiiwas sayo."

Wala akong masabi. Nakatayo lang ako ilang hakbang ang layo sa kanya. Pinagpapawisan ako't kinakabahan. Ayaw ko syang makitang ganito pero hindi ko talaga maiwasang malimutan ang mga bilin nya. Ayaw ko namang lagi nalang syang abalahin. May personal na buhay rin sya at ayaw kong maging hadlang ako sa mga gusto nyang gawin. Ayaw kong ako nalang ang lagi nyang inaalala.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon