Chapter 21

328 14 0
                                    

Ronnie's POV

Ang bilis ng panahon, September na. At mas nahuhulog na ako kay Loisa.

Alam kong alam nya nang may pagtingin na ako sa kanya. Ewan ko bakit hindi ko masabi, tuwing sasabihin ko umuurong dila ko.

Pero nakapagdesisyon na akong magtapat sa kanya, tyempo lang talaga hinahanap ko. Mas maganda parin kung marinig nya galing sa akin.

"Malapit na tayo," sabi ni Ck nang  bumungad samin ang bahay namin. Ang bahay kung saan ako nakitara ng buong buhay ko. Kulang nalang ikulong ko ang sarili ko dito dahil narin sa sobrang higpit nila sa akin.

"Namiss ko 'to," napapikit ako pagkatapos kong bumaba. Nalanghap ko ang pamilyar na simoy ng hangin na nanggagaling sa hardin na madalas kung tinatambayan.

Ang bahay namin ay malayo sa mausok na lugar ng syudad, halos gubat na nga ang likuran e.

Sabi kasi noon ng doctor ko kay Mommy na mas makakabuti sakin kung 'di maalikabok o mausok ang paligid. Kaya dito naisipin nilang itayo ang mansion kahit ang layo ng daan palabas.

"Pumasok na tayo," sinara nya ang pinto ng kotse. "Naghihintay sila Tito at Tita."

"Wala ba si Ar-ar?" tanong ko.

"Hindi ko alam, malalaman natin kapag nakapasok na tayo," nauna na syang maglakad, nakasunod lang ako.

Binuksan nya ang pinto. Bumungad ang malawak naming sala.

Andun sina Daddy at Mommy. Agad silang tumayo nang makita kami.

"Ronnie!" sigaw ng ni Mommy at tumakbo patungo samin sabay yakap sakin. "Sobrang namiss kita," matapos nya kong yakapin ay hinawakan nya ang makapilang pisngi ko. "Kamusta ka?" nilingon nya si Ck. "Kumusta kayo?" nginitian nya ito saka ibinalik sakin ang tingin.

"Okay lang kami, inaalagaan ako nito," sabay akbay ko sa kaibigan ko.

"Syempre," todo ngiti nitong pagsang-ayon.

"Dad," sinalubong ko si Daddy at niyakap sya. "Buti nakauwi ka," sabi ko sa kanya at kumalas na sa yakap.

"Ngayon lang ako nabakante, isa pa kahit may gagawin ako. Ipapa-cancel ko, minsan ka nanga lang umuwi 'di pa tayo magkikita," nginitian nya ko. Ito kasing si Daddy babad sa trabaho sa kompanya namin halos hating gabi na sya umuuwi kaya 'di ko madalas sya makita, umaalis pa ito ng maaga, pero kapag may free time naman sya hindi nya nakalimutang makipag-bonding samin ng kambal ko.

Nakangiti lang sya habang ginugulo ang buhok ko. "Ang gwapo, manang mana sa Daddy," tumawa sya.

"Syempre," tugon ko naman.

"Salamat Iho sa pagbantay mo sa anak namin," tinapik nya ang balikat ni Ck.

"Walang anuman, parang kapatid ko rin kasi itong si Ronnie, ayaw ko syang mapahamak," Ck.

"Ang drama mo!" kontra ko saka tumawa.

Natawa rin si Mommy sa sinabi ko. "Nagutom ba kayo, magpapahanda ako ng pagkain," singit niya.

"Busog pa ako, gusto ko nalang magpahinga," ako.

"Ako Tita gutom na!" mabilis na sagot ni Ck, ganyan sya walang hiya sa magulang ko. Hahaha. Biro lang, parang anak na rin kasi  turing nila sa kanya.

Anak ng matalik na kaibigan ni Mommy si Ck, kaya naging malapit ito sa amin. Hindi na sana ito mag-aaral ng senior high school dahil 'di na kaya ng Nanay nyang paaralin sya. Nalaman iyon ni Mommy at gusto rin naman ni Ck na mag-aral kaya nag-alok sila Daddy na sila na ang magpaaral sa kanya. Hindi naman pabaya ang kaibigan kong ito, lagi ngang honor e kaya natutuwa sila Mommy dahil 'di nasayang ang pagpapa-aral nila sa kanya.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon