Ronnie's POV
"Good Night." Text ko kay Loisa.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama. Tinignan ko ang orasan, alas syete pa.
"Ang aga." Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Dumapo ang mata ko sa nakaframe na mga picture sa ding-ding malapit sa sidetable ng kama.
"Kumusta na kaya ang isang 'yon." Tinignan kong mabuti ang litrato namin ng kapatid ko. Hahawakan ko na sana ang frame nang magvibrate ang cellphone.
"SINO KA?!" Basa ko sa reply ni Loisa. Natawa ako. Ano na naman kaya ang trip nito.
Lumabas ako sa balkonahe, tumigil ako sa may rehas at tinungkod ang magkabilang siko ko doon saka nagtype.
"Ano ba trip mo? Hahaha." Naghintay ako ng reply niya, pero tawag ang natanggap ko na agad kong hinawi ang 'answer' button para sagutin sya.
"Hi, Good Evening." Nakangiting bati ko.
"Sino ka ba?!"
Nabura ang ngiti ko at napatayo. Bakit ganito boses nya? Parang paos.
"He-hello! Shino ka?" Ulit nya nang hindi ako makasagot sa tanong.
"Okay ka lang ba?" Nakakapagtaka, malat iyong boses nya tapos parang sinisipon sya 'di maayos iyong rehistro ng boses nya sa linya.
"Shino ka nga sabi?!" Ulit nito.
"Si Ronnie 'to. Nasa'n ka ba?" Dinig ko kasi ang tugtug sa kabilang linya parang nasa kainan sya o sa bar. Di ko malaman kong ano.
"Ahh. Hahaha. I-ikaw pala 'yan. Ang tahimik na katabi ko!" Tumawa sya.
"Oo, ako nga ito. Nasa'n ka? Sabihin mo sa'kin." Sigurado akong wala sya sa bahay nila.
"Shashamahan mo 'ko?" Humihikbi nyang tanong. Umiiyak ba sya? "Di ko alam kung nasa'n a-ako e." Bigla syang umiyak ng malakas.
Nataranta ako sa sinabi nya. Nasa'n ba kasi sya? Mukhang lasing sya e. Isa pa gabi na, baka anong mangyari sa kanya.
"Ang alam ko nasha malapit ng school lang ako." Paliwanag nito.
"Okay! Hintayin mo ko, pupuntahan kita dyan." Pumasok ulit ako ng kwarto. "And please 'wag kana umiyak."
"O-okay." Sagot nito sa kalagitnaan ng iyak.
Mabilis pa kay Flash nang lumabas ako ng kwarto. Kinatok ko rin agad ang pinto ng kwarto ni Ck. "Bro! Buksan mo."
Bumukas ito. "Anong nangyari? May masakit ba? Ano?" Taranta nitong sunod-sunod na tanong habang kinakapa ang katawan ko.
Kinalas ko ang kamay niya."Okay lang ako. Si Loisa, ang hindi okay. Kailangan natin syang puntahan."
"Akala ko ikaw." Napa'tsk' sya. "Aatakehin ako sa'yo!" Napasabunot sya sa buhok nya na para bang naiinis ito sa pagmamadali ko.
"Bilis na puntahan na natin sya." Hinatak ko na sya sa braso.
Binawi niya iyon. Kaya napatingin ako sa kanya. "Bro, tara na." Di ako mapalagay, ang tagal nya.
"Di tayo aalas kung 'di ka kakalma. Alam mong masama 'yan sa'yo."
"Pero si Loisa kasi bro..." Natigil ako nang hawakan nya ang magkabilang balikat ko.
"Kalma lang! Okay? Kalma." Seryoso syang nakatingin sa akin. "Huh? Hinga." Tinapik-tapik nya ang balikat ko. "Okay lang 'yon si Loisa, walang mangyayaring masama sa kanya." Pagtitiyak niya.
Sinunod ko iyong sinabi niya. Kinalma at inaayos ko na ang sarili kahit hindi ako mapakali.
"Tara." Nauna syang naglakad pababa, nakasunod lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
With You
FanfictionSusugal ka bang makasama sya? Kung ang ibig sabihin ng "KAYO" ay ang pagkawala ng buhay mo? Highest Rank: #6 LoiNie out of 90 stories - May 21, 2019 Genre: Fanfiction - Teenfiction Start: June 13, 2019 End: May 23, 2020 ~~~ The COVER PHOTO is NOT MI...