Chapter 14

376 12 0
                                    

Loisa's POV

"Ano 'to?" Tanong nya.

"Icecream." Alien talaga. "Mas kilala sa pangalan na dirty icecream. Kainin mo na." Pag-udyok ko sa kanya habang kumakain ng icecream sa apa.

Nangangalahati na ako, habang ang kanya 'di pa nya ginagalaw. Natutunaw na tuloy.

"Bakit mo kinain? Madumi naman pala 'to." Kumunot ang noo nya, naguluhan. Hindi ko mapigilang tumawa sa reaksyon niya. Para syang batang nagrereklamo.

"Hindi naman kasi ibig sabihin na madumi 'yan dahil sa salitang dirty." Sagot ko sa kanya sabay nguso sa nagbibinta ng sorbetes. Nakangiti lang si Manong sa pinagsasabi ng kasama ko .

"Manong bakit hindi nalang icecream ang itawag nyo dito? 'Wag na lagyan ng dirty." Si Manong na ngayon ang hinarap nya na walang ginawa kundi ang tumawa. "Nagdadalawang isip tuloy ako kung kakainin ko 'to." Sabay angat ng apa.

Hinayaan ko syang usisain si Manong para mabigyan ng sagot ang mga tanong. Ilang minuto ang lumipas bago nya tinikman ang kanina nya pang hawak na icecream. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Manong at napapayag niya.

"Masarap naman." Nakangiti nitong pahayag sa akin.

Nasa labas kami ng eskwelahan ngayon. Nag-over the bakod kami. Inaya ko si Ronnie, pumayag naman sya dahil hindi nya pa daw nagawang tumakas ng paaralan. Excited nga sya nang nilakad namin ang daan papunta sa likuran ng paaralan. Nadinig ko kasing may labasan doon.

Baka akalain nyong lagi akong nagkacutting class, hindi huh! Iyong last nong grade eleven pa lang ako. Ngayon ko naisipang tumakas kasi nakakabagot, wala din naman kaming ginagawa. Abala lahat ng estudyante at guro dahil bukas na ng hapon ang mass dance at ang pageant naman sa gabi.

"Iyon subukan natin." Nilapitan nya ang isang stall. Sinundan ko sya. "Libre ko ngayon, lage nalang ikaw e." Dagdag niya.

Aliw syang inaayos ng gumagawa ng halo-halo ang mga sangkap sa baso. Napansin kong palihim na nakatingin ang tatlong babae sa kanya, na mga customer din.

Kinilabit sya nong isa. "Bakit?" Tanong ni Ronnie nang makalingon.

"Pwede po ba mahingi number mo?" Pakurap-kurap pa ang mata nito. May sakit ata ang babaeng 'to. Nako itigil nya 'yan baka matuluyan sya 'pag nahanginan.

Hinarap nya ako at bahagyang lumapit. "Tulungan mo 'ko. Ayaw kong ibigay number ko." Bulong nya.

Kung makahingi sya ng tulong e parang nasa panganib sya. Natawa ako sa inasta nya. Wala lang, ang kyut ng dating. Sa laki nyang lalaki kayang-kaya nya na 'yan.

"Ito po ang cellphone ko." Inabot ng babae kay Ronnie.

Walang bahid ng hiya sa mukha ng babae. Di ko sya kaya kung pakapalan ng mukha. Kitang-kita ko namang tensyonado na itong katabi ko.

Pumikit ako, humugot ng lakas ng loob. Hinigit ko sya para magpalit kami ng pwesto. Nginitian ko ang babae na nakaangat parin ang kamay hawak-hawak ang cellphone niya.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Pwede tumabi ka Miss? Sino ka ba?" Mataray nyang tanong.

"Girlfriend ko sya!" Namilog ang mata ko sa pagsingit ni Ronnie.

Pinandilatan ko sya ng mata. Nagtatanong kung ano ang sinabi nya. Lumapit sya. "Kaibigang babae." Bulong nya nang mapansing natigilan ako. Sino 'di magugulat? Agadan nyang iyong sinagot.

"Oo, gi-girlfriend nya ako!" Nauutal kong pahayag.

"Hindi nga?" Di sya nakumbinsi, siguro dahil nakita nya ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Ronnie. "Di hamak na mas maganda ako sayo." Dugtong nito.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon