Chapter 26

374 10 2
                                    

Loisa's POV

Hindi ko nakahiga ako sa ulap sa sobrang saya.

Ilang segundo rin akong hindi makahinga, kinapos ako ng hangin no'n.

Nahinto ako sa pag-iisip at nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ang bulaklak sa upuan ko.

Imposible namang kay Ronnie ito, dahil hindi ngayon ikalabing apat na araw ng buwan.

Galing 'to kay Jameson, mula kasi noong sinabi nya sa birthday ko ay nakakatanggap ako ng tatlong bouquet ng iba't ibang klasing bulaklak sa isang linggo. Nung una akala ko kay Ronnie galing pero sa kanya pala. Hindi ko nanga alam kong saan ko pa ilalagay ito. Sa sobrang dami.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa dahil nag-vibrate ito. "Halika dito sa canteen mag-agahan tayo, andito rin ang lalaki mo," napa-tsk ako.

Hindi nalang kasi tinipa ang pangalan ni Ronnie. Lalaki talaga?!

Tinungo ko na ang canteen at agad ko silang nakita. Akala ko sila lang pero may dalawang babae pa.

Kinawayan ako ni Ronnie kaya humarap iyong dalawang babae. Bumungad ang mukha ni Patricia at Amor sa direksyon ko.

Walang pasabi akong umupo sa tabi ni Ronnie. Nakita kong tumaas ang kilay ni Patricia.

Apat kaming nakaupo sa isang upuan. Si Aislin, Ck, Ronnie at ako. Katapat namin sila.

"Hi!" Bati ko.

Ngumiti sila na para bang nagustuhan nila ang pagdating ko. Napaka-plastic.

"Loisa!" Napunta lahat ng tingin namin sa sumigaw.
Si Jameson.

Ano bang meron?
Bakit kami nandito lahat?

"Natanggap mo ang bulaklak?" Hinihingal nitong sabi.

Umupo sya sa tabi ni Patricia, sa harap ko. Tumango ako bilang sagot.

"Free ka ba mamaya?" Walang alinlangan nitong tanong. Kaya wala akong maisagot.

"Ikaw Ronnie free ka ba mamaya?" Patricia.

"Oo," napasulyap ako sa kanya

Kumulo ang dugo ko sa naging sagot niya. Pero syempre hindi ko iyon pinahalata sa kanila.

"Talaga?" Excited na panigurado ni Amor.

At tumango naman itong katabi ko. Nagkatinginan kami. Pero walang laman iyong mata nya, wala akong mabasa.

"Pwede ba tayong lumabas sa linggo." Si Jameson.

"Hindi!" Sagot ng katabi ko.

Lahat ng tingin ay napunta sa kanya pati rin ang kalapit naming mesa ay napaligon sa medyo may kalakasan nyang bigkas.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko," nakakunot noong sabi ni Jameson. "So, Loisa---"

"Hindi sya sasama," Ronnie.

"Ohh.." rinig kong banggit ni Aislin. "I love the energy," at tumawa sya.

"Ano bang problema mo?" Tumayo si Jameson, naghahamon.

Taka naman si Patricia at Amor, hindi malaman kung anong nangyayari.

"Umupo ka bro, bilis mag-init ng ulo mo," sita ni Ck kay Jameson.

Padabog na umupo si Jameson, ang sama ng tingin kay Ronnie.

"Ronnie, pwede lipat tayo sa ibang table. Hayaan na natin silang mag-usap," mungkahi ni Patricia.

"Magandang ideya 'yan," Jameson.

"Tara, dun tayo," sabay turo ni Amor sa likuran namin. "Tar---"

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon