Dalawang linggo makalipas ang huling pag-uusap namin ni Jack. Inabala ko ang sarili ko para tuluyan na akong makalimot kay Jack. Habang bakasyon pa at summer lalo kong inabala ang aking sarili.
Nandito kami ngayon nila Carmela sa Green Tumb. Kasama namin ang mga kaibigan namin ni Carmela Lima kaming lahat tatlong lalaki at kami lang ni Carmela ang babae.
Masayang nagswiwimming kami ngayon karamihan sa mga nagswiswimming dito ay studyante mula sa Diosdado maraming nagswiwimming dito. Kaniya kaniyang patugtog at sayawan. Hindi naman gaano malalim dito pagpasok mo sa Green Tumb sa kanan may swimming pool malalim hanggang 5 feet at 6 feet sa kaliwa naman ay hanggang bewang ko lang sa dulo ay hanggang bewang ko parin mababaw at tatlong pool lang pero maraming nagswiswimming dito kaya nga lang ay panay studyante.
Kaya lang kami nandito sa bulacan dahil may iba kaming kaibigan na dito nakatira sa bulacan at isa sa kaibigan ko ay anak siya ng may-ari ng Green Tumb dito libre kami pati cottage dahil kilala naman kami ng nanay ng kaibigan namin.
May isang linggo pa kami dito sa bulacan para magbakasyon. Matutulog kami sa aming bahay bakasyunan na magkakaibigan. Dating bahay ito nila Carmela kaya nga lang lumipat sila sa maynila dahil mas marami silang business doon kaya nakiusap na lang si Carmela na sa amin na lang ito pumayag naman ang daddy niya.
Tatlo lang ang kwarto ng hide out namin kaya dahil dalawang magkakapatid lang sila ni Carmela habang ako naman ay only child. Ayaw na nila akong dagdagan tama na daw ako na makulit at maganda kahit na ayoko talagang only child ako mas gusto ko may kasama ako sa bahay sa tuwing nag-iisa ako.
Hindi na kami nakapag-swim suit dahil panay bata lang naman ang nandito saka na kami mag-swiswim suit kapag nasa dagat kami o sa swimming pool na malaki.
"Karen"tawag sa akin ni Carmela.
"Bakit?"tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng pool saka ako pumunta sa kaniya.
"Tumatawag daddy mo"lumapit ako sa cottage namin saka ko kinuha ang Cellphone ko napairap na lang ako sa kawalan.
"Hello?"i answered his call.
"Hello Karen"
"Po?"
"Kailan ka uuwe?"
"Hmmm..... sa linggo po, daddy bakit po?"
"Wala lang tinatanong lang kita gusto ko sana makabonding ka dahil alam mo na minsan lang ako magkaroon ng off dahil sa trabaho,namimiss ko na rin kayo ng mama mo"napahinga ako ng malalim.
"Namimiss ka na rin po namin ni mama, daddy pero maghintay na lang po tayo malapit na rin po ang mahal na araw,makakapag-bonding na rin po tayo"
"Wala rin din naman akong magagawa e"
"Malapit na akong umuwe daddy"
"Matagal sa linggo ka pa uuwe e"
"Hay daddy sige na maliligo na po kami"
"Hoyyy Karen"tawag sa akin ni daddy sa kabilang linya.
"Bakit daddy?"
"Baka naman naka-swim suit ka diyan sisipain kita kapag nalaman ko na naka-swim suit ka!"sigaw niya nalayo ko pa ang cellphone sa tenga sa lakas ng sigaw niya.
Si Carmela ata to e!
Pinatay ko na lang ang linya keysa sagutin yun. Ayaw ni daddy na naka-swim suit ako kapag wala siya. Nakakapag swim suit ako kapag nandiyan siya para ko ata siyang boyfriend e pinagbabawalan akong mag swim suit kapag hindi siya kasama. Ibang klaseng tatay.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
DragosteAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...