"Tama na 'yang alak umuwe na tayo"sabi ko sa kanila lasing na lasing na ang mga kaibigan ko lalo na si Tristan mabuti na lang at walang pasok bukas. Hindi naman ako masyadong uminom ng alak ganon din si Ethan kailangan kase namin umuwe sa bahay, si Ethan naman kailangan umuwe sa kanila dahil nandoon si Alliah ngayon.
"Karen, umuwe na kayo sa guest room ko na sila patutulugin 'tong tatlong 'to"si Mark hindi pa kase siya gaano kalasing at tsaka malakas ang isang 'to hindi ako matatalo kapag nag one on one kami.
"Si Tristan sa kwarto mo patulugin 'yan at hayaan mo 'yong dalawang lovebirds na 'yan sa guest room"sabi ko at tinignan ang mga kaibigan kong natutulog sa sofa. "Mauuna na kami Mark ha?? Natutulog na kase si Airon e hindi pwedeng tumagal pa kami dito kase bukas babalik ko na si Airon sa hospital. Dumalaw kayo ha?? Ayokong malungkot ang anak ko"
"Oo sige dadalaw kami magdadala kami ng pagkain niya bukas anong oras ba pasok mo bukas?"
"8am bago mag 8 nandon na kami"
"Sunduin ko kayo bukas bago mag 8"
"Sige hindi naman ako masusundo ni Ethan kase nandon ang kapatid niya"
"Sige magkita na lang tayo bukas, pag nagising si Airon sabihin mo sa kaniya na dadalaw ako bukas at tsaka may bibilhin kamo ako sa kaniya"sabi niya.
"Oo na sige na, inaantay na ako nila Ethan kanina pa tulog si Airon napagod kakalaro sa lola niya sige na happy birthday handsome"humalik ako sa pisngi niya at yumakap sa kaniya. "I love you ingat ka sa pagsapak ni Carmela ha?? Manghingi ka ng tulong para buhatin sila"ngumiti ako sa kaniya .
"I love you too ingat kayong mag-aama"
Tumango ako sa kaniya humalik na muna ako sa mga kaibigan kong lasing muntikan na ako masapak ni Carmela mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ang kamay niya.
Umalis na ako don at agad akong sumakay sa front seat tinignan ko ang anak ko bago pinaandar ang kotse.
"Love sorry hindi ako makakasama sa inyo sa hospital magtatampo kase si Alliah kapag wala pa ako don sa bahay"sabi niya sa kalagitnaan ng byahe namin.
"Hindi okay lang susunduin kami ni Mark pinapabisita ko rin sila para hindi maboring si Airon at kailangan nandon ako sabi ni papa may resulta na raw ang chemotherapy ni Airon"
"Sana nandon ako balitaan mo na lang ako sa resulta ng chemotherapy niya"
"Oo, bilisan mo para makaunat naman ng maayos si Airon"
Binilisan niya ang pagmamaneho wala naman gaanong sasakyan dahil gabi na rin. Alas onse na ng gabi. Agad naman kami nakarating sa bahay binuhat naman ni Ethan si Airon umingit pa 'to dahilan para maalimpungatan si Airon pero bumalik uli sa pagkakatulog niya.
Binuksan ko ang pinto niluwagan ko pa ito para makapasok si Ethan. Nauna akong umakyat para buksan ang pinto ng kwarto ko. Nang mabuksan ko ang pinto nilapag na ni Ethan si Airon sa kama ko. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan sa noo niya.
"Aalis ka na?"tanong ko kay Ethan at hindi maalis alis ang tingin ko kay Airon. Tsaka lang ako bumaling sa kaniya ng umupo siya sa sofa.
"Mamaya na kaunti, gusto pa kita makasama"sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Medyo malaki naman ang sofa ko sa kwarto.
"Umuwe ka na baka hinahanap ka na sa bahay niyo lagot ka kay Alliah kapag nalaman niyang wala ka pa hanggang ngayon sa bahay niyo"
"Maiintindihan din naman niya 'yon at tsaka tulog na 'yon ngayon hindi siya pwedeng matulog ng late"
"Para kang tanga alam mo ba 'yon? Malay mo gising parin 'yon hanggang ngayon?"
"Hindi nga 'yan tsk, e sa gusto pa kita makasama ano magagawa niya?"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...