Inasikaso ko kaagad ang mga pasyente na pinaasikaso na sakin ni papa. May meeting kase siya kaya sakin niya pinaubaya ang mga pasyente niya, may kasama akong back up na nurse kung sakaling may mga hindi pa akong alam na gagawin.
Sa sobrang busy ko ay hindi na ako nakakapunta uli sa kwarto ni Airon kahit na alam kong nandon si Tita at sila Mark. Nagpapapunta ako ng nurse don para tignan kung okay lang ba ang tao sa loob ng kwarto ni Airon.
Maraming pasyente gaya ng mga bata dahil sa sakit nila sa dengue o di kaya naman ay matataas ang lagnat nila. Minsan ako ang nag-aasikaso sa kanila pero madalas ang mga ibang nurse o di kaya naman ay doctor.
Madalas ako sa mga binata at dalaga na pasyente, may pasyente pa ako na galing sa isang bugbugan dahil inagaw 'yong girlfriend niya ng dati'ng kaibigan niya. Hindi ako chissmosa narinig ko lang 'yon sa mga kaibigan niya.
Pinuntahan pa nga siya ng ex-girlfriend na niya ngayon, pinapaalis na siya ng lalaki kaso ayaw umalis ng babae ang sabi ng babae mahal daw niya 'yong lalaki. Napapailing na lang ako habang naririnig ko 'yong mga sinasabi ng babae wala naman ako sa lugar para pakialaman ang mga lovelife nila masyado na silang nakakaistorbo sa mga iba pang pasyente.
Nang magkaroon ako ng time pumunta ako sa kwarto ni Airon, naabutan kong magkatabi na natutulog si Bino at Airon sa medyo malaki na hospital bed ni Airon tumingin ako kay Mark na ngayon ay busy sa panonood sa kaniyang cellphone si Tita ay umuwe na daw dahil hinahanap na daw siya ni Alliah na medyo nagtatampo na daw dahil wala daw si Tita don.
Umupo ako sa tabi ni Mark at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Pagod ka na? Nagugutom ka na ba?"tanong niya. Binitawan niya ang cellphone at nilapag sa table ni Airon.
"Medyo nagugutom rin at pagod"
"Bibili na akong pagkain sa labas"sabi niya. Akmang tatayo siya ng pigilan ko siya. Tinignan niya ako at tinaas niya ang kilay niya. Inalis ko ang ulo sa pagkakasandal sa balikat niya.
"Mamaya na hintayin natin magising 'yong dalawa, kanina pa ba sila tulog?"tanong ko at tinignan ang dalawang batang natutulog.
"Oo kanina pa sila natutulog, gisingin na lang natin sila para makakain ka na rin may trabaho ka pa naman"
"Sila Carmela? Pupunta ba?"iniba ko ang usapan.
"Hindi daw sila makakapunta may group project daw sila ngayon bawi na lang daw sila next time"tumango lang ako sa kaniya. "Bibili na ako ng pagkain natin dito ka lang"sabi niya at tumayo. Humalik na muna siya sa pisngi ko bago siya lumabas ng kwarto.
Humiga ako sa sofa at don ko naramdaman ang pagod at sakit ng katawan ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Nagising ako ng marandaman na nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Pikit matang kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa.
"Hello?"iritadong sagot ko sa tawag.
"Natulog ka? Bakit tapos na ba ang shift mo?"tanong ni Ethan. Napabalikwas kaagad ako sa pagkakahiga at tinignan ang orasan halos lumawa ang mga mata ko. Tatlong oras ako natulog at wala manlang gumising sakin.
Nilibot ko ang tingin ko wala ng tao sa kwarto ni Airon at nasa kama ako ngayon ni Airon nasan ba ang mga tao na nandito kanina? Pumasok ako sa banyo at naghilamos.
"Nakatulog ako hindi ko namalayan, bakit kase hindi ako ginising ni Mark e!"naiinis na sabi ko.
"Ano na?! Ano na sabi ni papa aba't 'yong anak mo naalala akong itext pero ako na asawa mo hindi mo manlang naalalang itext!"sigaw niya sa kabilang linya nalayo ko pa ang cellphone sa lakas ng sigaw niya.

BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...