Walang araw na hindi kami masaya sa bakasyon namin ngayon, kahit na palaging kasama si Lance sa mga lakad namin magkakaibigan.
Hindi parin nawawala ang mga titig niya sakin, mga ngiting nakakaakit, katawan na sobrang hot, ibang iba sa mga nakilala ko pero hindi ko 'yun pinahalata dahil may boyfriend ako at iyun si Ethan.
Hindi ko na lang siya pinapansin dahil madalas palaging nakatingin sakin si Mark kaya hindi na lang ako tumitingin kay Lance alam kong mali 'yun kaya hangga't maaari iiwasan ko na lang.
"Love, gising na anong oras na oh"gising ko sa katabi ko hapon na pero ayaw parin niyang bumangon, naisipan kase namin na wag na muna bumaba dahil gustong magpahinga ni Ethan kaya ito kaming dalawa siya natutulog habang ako nagcecellphone.
"Hmmm"ungol niya bumaling pa ito paharap sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Love, akala ko ba magjejetski pa tayo? Bangon na diyan hinihintay na tayo nila Mark sa baba"pilit akong kumakawala sa higpit ng yakap niya.
Jusko naman 'tong lalaking to ang landi landi talaga!
Sumuko na ako sa pilit kumawala sa kaniya dahil ayaw niya talaga akong pakawalan kaya humarap na lang ako sa kaniya at tinukod ang kamay at pinatong ang ulo sa kamao ko habang nakatingin sa mukha ni Ethan.
Hinalikan ko ito sa labi niya para tuluyan siyang magising.
"Love, gising na diyan"malambing na sabi ko sa kaniya at muling hinalikan ang labi niya sa puntong ito tumugon na siya.
Binitawan na niya ang labi ko at minulat niya ang mga mata.
"Sana sa pag-gising ko ganito araw araw no?"nakangisi na sabi niya. Napairap ako.
"Tss ang swerte mo naman ata na 'yun?"
"Edi maganda ako na ang pinakamaswerte sa buong mundo"
"Tumigil ka diyan bangon na hapon na po"
"Opo babangon na pero pwede bang 5 minutes? Pampalakas ng loob?"
"Tss, oo na"natatawang sabi ko.
Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Napangiti na lang ako ng matapat ang tenga ko sa dibdib niya at marinig ang mabilis at malakas ng tibok ng puso niya.
"Naririnig mo?"mahinang sabi niya.
"Ang alin?"maang maangan na sabi ko kahit na alam ko naman talaga ang sinasabi niya.
"Tibok ng puso ko?"
"Oo naman"
"Ganiyan na ganiyan ang tibok ng puso ko kapag kasama kita at katabi"
"Talaga lang ah?"
"Oo naman, iba talaga apekto mo sakin love"
"Grabe naman Hahaha"
"Totoo yun hindi ako nagbibiro"seryosong sabi niya kaya naman natahimik ako.
"Sorry po"seryosong sabi ko.
"Tara na, tapos na ang 5 minutes"sabi niya tsaka hinalikan ang labi ko.
Tumayo kaming dalawa pumunta ako sa CR at nagsuot ng swimsuit. Lumabas ako ng CR nakita ko siyang nakashort ng pangsummer. Napangiti ako walang kupas ang kagwapuhan niya.
Lumapit siya sakin at ibinigay ang short sakin.
"Magshort ka hindi palaging nakaganyan ka"pinasadahan niya ako ng tingin at lumabas naman ang pilyo niyang ngiti, tumaas ang kilay ko.
"Ang sexy talaga ng love ko pwedeng paisa?"
"Sapak gusto mo?"nakangiti na sabi ko.
"Basta may kapalit na kiss payag naman ako"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...