Nagising ang diwa ko ng may nagring sa cellphone ni Ethan. Umalis siya sa pagkakayap sakin at tsaka ako muli bumalik sa pagkakatulog.
Pero muli ako nagising ng marinig ang sigaw ni Ethan.
"What?!"sigaw niya. Bumangon na ako at kinusot ko ang mga mata at tumingin sa kaniya.
"Love ano ba yan?"
Tumingin siya sakin pero muli siyang bumaling sa harapan.
"Sige sige uuwe ako kaagad"
Nagtatakang tinignan ko siya. Ba't siya uuwe?
"Love may problema ba?"tanong ko dito lumapit ako sa kaniya at tumabi.
"Si mommy and daddy nag-aaway sila kasama yung lalaking palaging nasa bahay"
"What will you do?"
"Kailangan kong umuwe sa bahay para maayos ang gulo nila"
"Paano ako?"
"Dito ka lang babalik din agad ako kailangan ko lang ayusin yung gulo nila"
"Kailan ka babalik?"
"Siguro bukas o sa makalawa nandiyan naman ang mga kaibigan mo, may kasama ka naman e"
"Sama na lang ako sayo"
"Wag na love dito ka na lang, mabuting maiwan ka na lang dito para may mga kasama yung mga kaibigan mo baka mamaya nag-iinuman na naman sila tapos walang pipigil sa kanila diba?"
Ba't kase ako ang prinsesa sa kanila e? Letche naman oh!
Napabuntong hininga ako. "Sige pero bumalik ka kaagad ah?"
"I will"
Hinalikan niya ako sa labi ko tsaka siya tumayo at pumasok sa banyo.
Gustuhin ko man sumama sa kaniya para may maitulong sa kanila dahil ako rin ang may dahilan kung bakit ko binigyan ng payo si tita at para na din masabi niya sa taong mahal niya na siya parin ang lamang ng puso nito.
Pero hindi naman ako nagsisi e gusto ko palagi ang nakikita ko masaya sila hindi puro problema ang kanilang kaharap. Sobrang hirap naman kase kapag puno ng hinanakit ang puso mo at hindi mo naranasan maging masaya.
May time na nagiging masaya tayo pero saglit lang. Ang saya ay may katapusan ang lungkot may katapusan rin kaya tie lang pero may mga bagay na kailangan na rin natin umalis sa pagkakalungkot at kailangan harapin ang saya na gusto mo naisin.
Mahirap harapin ang saya lalo na kung wala ka naman kasama para maging masaya. Kailangan natin maghanap kung sino ang magpapasaya satin bukod sa mga pamilya natin. Nandiyan ang mga kaibigan natin na handa tayong pasayahin hanggang sa makita ka nilang tumawa. Special someone na papasayahin ka kahit magmukhang tanga na siya sa harapan mo at hindi malaman kung ano ang gagawin mapasaya ka lang.
Bumuntong hininga ako. Muli akong humiga sa kama at kinuha ang isang unan at niyakap ito.
Narinig kong bumukas ang pinto at may naramdaman akong lumubog ang kabilang kama.
"Love okay lang bang maiwan ka dito?"
Minulat ko ang mga mata at ngumiti sa kaniya.
"Oo okay lang, wala naman akong magagawa diba?"
"Sorry love ah ayokong pati ikaw madamay sa gulo ng pamilya namin"
"Okay lang, basta tawagan mo ako kapag nakarating ka na ah? O di kaya text mo na lang ako para naman mapanatag ang loob ko kung nakarating ka ba ng maayos"
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...