Dumating si Ethan ng umuwe si Lance sa bahay nila. Nagdesisyon na lang ako na umuwe na rin dahil tumawag si mama sakin na enrollment na nga daw kailangan ko raw mag enroll.
Isang araw na lang bago matapos ang bakasyon namin sa palawan.
Isang linggo bago matapos ang bakasyon sa susunod na lunes pasukan na namin naeexcite na ako at aral na aral na ako.
Alam kong mapupunta ako sa pinakahuling section dahil palagi kong sinasabi sa teacher ko na ilipat ako sa pinakahuling section. Si Mark nagpapalipat din dahil ayaw na nalalayo sakin ibang klaseng lalaki.
Lahat kami sabay sabay na nag-enroll nandito kami ngayon sa school nakatitig sa mga ibang studyante na nagpapaenroll na.
Napangisi ako. This is the best high school life. Namimiss ko na pumasok makipaggaguhan sa mga kaklase at teacher mang-asar, makipagsuntukan sa mga lalaki at hindi mawawala ang mga bida bida sa mga classroom.
Pumasok kaming mag-kakaibigan sa school. Si Ethan hindi dito nag-aaral don siya sa isang school. Kaya lang naman ako nakapasok dito sa school na 'to dahil scholar ako. Really? Scholar ako? Hindi halata!
Oo scholar ako pero nasa wrost section ako. Section One kase ako nagpapalipat lang ako sa wrost section dahil mas masaya doon kase kapag sa section one ka ang tahimik ang boring! Mabuti na nasa wrost section ka mas masaya.
Nakasalubong namin papasok ang teacher namin ni Mark na madalas pasakitin ko ng ulo nakita ko pa ang pag-irap niya at pag-ngiwi niya. Napangisi ako.
'Kahit kailan inggit sa kagandahan ko! Tss!'
"Akala ko naman aalis ka ng school na 'to?"sabi ni ma'am buldog. Buldog ang tawag namin sa kaniya kapag nakatalikod na siya pero nasasabi ko yun minsan sa kaniya kapag naiinis na ako, hindi naman siya nakakasagot dahil natatakot siya kay Mark na siya rin may-ari ng school na pinapasukan namin kaya ako naging scholar dahil sa kakilala ko ang tatay ni Mark na siya rin prinsipal namin.
"Sorry ma'am pero wala akong balak umalis sa school na 'to na tinuring ko ng pangalawang bahay?"sarkastikong sabi ko pero nahihimigan naman ng respeto.
"Tinuring na pangalawang bahay o kaya dahil hindi ka makaalis sa school na to dahil may kaibigan kang may-ari ng eskwelahan na 'to?"sarkastikong sabi niya naikuyom ko ang dalawang kamao dahil sa inis at sa sinabi niyang salita. Ito ang palagi niyang sinasabi sakin kapag nagkikita kaming dalawa nakakainis ang paraan na pagsasalita niya lalo na ang masamang sinasabi niya.
Magsasalita na sana si Mark pero pinigilan ko siya hinawakan ko ang braso niya. Tumango na lang ako sa kaniya pero hindi maalis ang kaniyang pag-aalala sa mga mata niya.
"Ilan beses ko po ba sasabihin sa inyo na hindi ko intensyon umalis sa school na 'to? Una nandito ako para mag-aral. Pangalawa hindi ko alam kung bakit kayo nagagalit sakin o sadyang naiinggit lang kayo. Pangatlo wala kayong karapatan na pagsabihan ako ng ganiyan dahil hindi mo naman ako pinapalamon kung sa anak niyo kaya sabihan yan sino ang hindi masusura? Pang-apat hindi ko alam kung bakit sila lumapit sakin nagising na lang ako na kaibigan ko na sila so? What's wrong with them? Is it something wrong beacuse they are my friend? Pang-lima hindi ko sila kinaibigan para lang hindi mapaalis ako dito kinaibigan nila ako dahil mapagkakatiwalaan nila ako. Ano bang masama sa magkaroon ka ng kaibigan na rich kid? Masama bang makipagkaibigan sa mga rich kid na gaya nila na gaya ko na poor lang?"nang-gigilid na ang mga luha ko kinagat ko ang labi para mapigilan ang hikbi na gusto na kumawala sa mga labi ko. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. "Why? Ma'am? Hindi niyo ba naranasan na maghirap sa buhay? Ay oo nga pala dahil pasarap buhay lang kayo nagtuturo kayo para sa pera at meron na mapakain sa mga anak niyo. Kahit nga hindi kayo magturo samin nakakasweldo kayo ng buo. Meron kayong trabaho na maganda samatala ang tatay ko security guard habang ang nanay ko naman labandera lang. Bakit sa ganitong buhay namin wala na akong karapatan na makapag-tapos at makapag-aral sa isang private school?!"doon na tumulo ang mga luha ko. Nakita ko pa ang pag-irap niya sa kawalan. Hinawakan ni Mark ang kamay ko habang si Carmela hinahagod ang likod ko. "Wag na wag niyo ako pagsasabihan na ganito dahil hindi niyo po alam ang hirap na dinanas namin para lang makapasok ako sa private school. Oo ako na ang mahirap na nakapasok dito dahil umaasa lang ako sa scholar! Pero bakit kayo hindi rin maranasan ng mga anak niyo na mag-aral sa public? Public school na mas maganda pa sa private!"

BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...