Chapter 14: Korny Guy

50 1 0
                                    

"Karen, nandito si Ethan"sigaw ni mama sa pintuan.

'Bakit ba sa tuwing gigising ako sa kaniyang boses ang naririnig ko?'

"Karen ano ba?!"sigaw na naman niya inis na bumangon ako.

"Bakit ba mama?"inis na sabi ko.

"Bumangon ka na diyan, nandiyan si Ethan sa baba"

"Ang aga aga nandiyan yan?"

"Anong maaga? Tanghali na jusko po! Anong oras ka ba natulog kaya tanghali ka na nagising?"

Kunot noong kinuha ko ang cellphone ko halos lumuwa yung mata ko ng makitang anong oras na.

'12:41?!'

Bumangon kaagad ako at pumasok sa banyo at naligo.

Maaga naman ako natulog ah?? Ba't tanghali na ako nagising?

Lumabas ako ng banyo at nagbihis ng simpleng damit lang. Nagsuklay ako at nagpolbo lang.

Nakabusangot ang mukhang bumaba.

"Para ka naman pinagsakluban ng langit ang lupa ano ba umayos ka naman!"sigaw na naman ni mama.

"Nasa'n ba si daddy? Galit ka na naman e"nakangisi na sabi ko. "Daddy nasa'n ka ba kailangan maglibang ni mama!"sigaw ko

Kinuha niya ang walis tambo at hinabol ako pumunta ako kay Ethan sa likod niya at tatawa tawa samin ni mama.

"Tago mo 'ko love magkakaroon ng bangas yung maganda kong mukha"natatawa na sabi ko.

Pilit akong inaabot ni mama ng walis tambo.

"Mama sige na tama na! Kakain na ako!"sigaw ko. "Aray!"napalo niya ako sa binti ko pero mahina lang.

Tumakbo ako sa labas ng bahay namin. Humabol naman si Ethan alam kong magagalit yun dahil nakashort lang ako.

"Umayos ka love, tara na sa loob kumain ka na"si Ethan lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. Papasok na sana ako ng marinig ang boses na yun.

"Ma"tawag sakin ni Bino. Nanlalaki ang mga mata na tumingin sakin si Ethan. "Mama!"lumapit sakin si Bino at yumakap sakin.

"Anak mo?"tanong niya. Natawa ako.

"Hindi tinatawag niya lang akong mama hahaha"nakahinga siya ng maluwag.

Niyaya kong pumasok si Bino sa bahay namin.

"Mama may pera ka ba diyan? Penge ako lima"sabi niya.

"Nanay mo ba yan?"si mama. Natawa ako.

"Oo, mama ko siya"sabi ni Bino kumuha ako ng limang piso sa bulsa ko at binigay sa kaniya.

"Hindi ko nga alam kung paano lumabas yan sakin e nagising na lang ako may anak na akong ganyan kagwapo"nakangiwi na sabi ko.

"Sino ba tatay niyan?"si Ethan napangisi ako.

"Wala naman akong tatay e"sabi ni Bino natawa ako ng malakas.

"Ano bang klaseng anak yan! Paano ka ba nagkaroon ng anak na siraulo?"si Ethan sinamaan ko siya ng tingin. Natinag siya.

"Matagal na niya ako tinatawag na mama, kaya wag kang epal bwisit!"naiinis na sigaw ko sa kaniya.

"Ang init init ng ulo mo love, ano gusto mo? Bibilin ko baka gusto mo ng candy?"

Lumapit na ako sa kaniya at naiinis na binatukan ko siya.

"Gusto mo ipalamon ko sayo lahat ng candy?"

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon