Chapter 42: Circle Of Friendship

28 0 0
                                    

Matapos ang pag-uusap namin ni Lance ay tsaka naman nag-aya si daddy na umalis na kami dahil panigurado marami ng tao ngayon sa caribbean.

Sumakay na kami sa van at ganon parin ang mga pwesto namin. Nakatingin lang ako sa bintana habang ang mga kaibigan ko ay naghaharutan pero may napansin ako na may sumusunod na kotse samin na kulay pula pinakatitigan ko ang mga nakasakay doon at halos magulat ako dahil nakita ko si Nat na nakasakay sa passenger seat.

"Ano ba mommy nakakagulat ka naman e?"sita sakin ni Airon. Tumingin ako sa likuran at doon ko talaga nakita na hindi lang si Nat ang kasama pati si Christine at si Saira.

"Ano ba 'yon Karen? Ba't gulat na gulat ka naman?"tanong ni Tristan.

"Kasunod lang natin sila Nat at hindi ko alam bakit sila nandito"sabi ko at halos lahat sila ay napatayo sa gulat.

"Talaga?"sabi ni Carmela. "Ay oo nga sila nga yan kasunod natin"

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Natalie.

"Hello, babe nasan kayo?"tanong ko. Nakita ko naman kung paano ngumiti sila Natalie.

"Kasunod niyo lang, surprise babe"masaya pa na sabi niya. Napangisi ako.

"Nakakasurprise ba 'yon babe ha?"

"Ayaw mo ba na kasama kami sa lakad niyo?"

"Hindi naman sa ganon pero hindi ko alam na kasunod lang namin kayo mabuti na lang talaga at nakita kita dyan sa kotse na sinasakyan niyo"

"Mabuti nga pinayagan pa kami ng mga magulang namin e pinilit pa namin sila para makasama kami sa inyo"

"Ewan ko sa inyo basta sundan niyo lang kami"

"Opo"

Binaba ko ang linya tsaka ako bumalik sa pagkakaupo ko. Bumalik naman sa halaklakan ang mga kaibigan ko at patuloy lang sila sa asaran sa isa't isa pati si Lance ay nakikisabay na rin.

"Wait? Ibig-sabihin kasunod natin sila Natalie edi may kalandian ka na Mark"masaya na sabi ni Carmela tumingin siya kay Carmela ng masama, tumawa lang ng malakas si Carmela.

"Anong kalandian ka diyan? Ayoko sa kaniya hindi ko gusto ang ugali niya kahit na maganda siya ayoko sa personality niya"

"Edi inamin mo na maganda si Natalie actually maganda nga naman talaga siya pero kung kilalalanin mo maganda ang personality niya"

"Ah basta ayoko sa kaniya"

"Eh sino naman ang gusto mo? Si Saira? Hindi naman pwede si Saira kase may jowa siya. Si Christine? Okay naman si Christine maganda, mabait, masipag lahat nasa kaniya na"

"Sa lahat ng nabanggit mo wala akong nagugustuhan"

"E ano? Si Mika parin ba?"tanong ni Carmela, binato ko na siya ng bagay na maliit lang na tatama sa kaniya sinamaan niya ako ng tingin ininguso ko sa kaniya si Mark na ngayon ay bumalik na sa pagkakaupo sa passenger seat.

"Bakit kailangan banggitin mo pa si Mika sa usapan? Huwag mo ng banggitin 'yong taong nakalimutan ko na"seryoso na sabi niya.

"Sorry Mark"yon na lang ang nasabi ni Carmela at nanahimik na lang. Para hindi mailang nagvlog na lang si Airon. Oo sa kakapanood niya ng vlog ng Jamill ay naisipan niya na magvlog nagpabili siya sakin ng camera na binili ko naman agad hangga't kaya kong ibigay sa kaniya ang mga gusto niya ay gagawin ko makita lang na masaya si Airon.

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko tinext si Mark.

To: Mark
Okay ka lang?
Message sent!

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon