Chapter 4: See You Later

86 1 0
                                    

Matapos ang isang linggo na pananatili sa Bulacan ay umuwe na kami sa Maynila kasama lahat ng kaibigan ko dahil sa maynila na sila mag-aaral.

Kakauwe lang namin galing bulacan. Kaya naman pagod na pagod na pumasok ako sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay agad bumungad sa'kin ang nanay kong makulit.

"Kirang"napairap na lang ako ng marinig ang sigaw niya.

'Palayaw ko yun. Hindi ko alam bakit yan ang palayaw ko ang baho diba? Pero gusto ko yang palayaw na yan'

Agad niya akong niyakap ng mahigpit halos lumuwa na ang mata ko sa higpit ng yakap niya agad kong tinapik ang braso ni mama.

"M-mama hindi na ako m-makahinga"nahihirapan na sabi ko agad niya akong binitawan.

"Ayy sorry naman"sabi niya,pumasok ako sa bahay saka ko inikot ang paningin ko.

"Mama nasan si daddy?"hindi ko siya nilingon sa halip ay inikot ko ang paningin ko at nagbabakasaling makita ko si daddy.

"Umalis ang daddy mo kanina lang"don na ako lumingon sa kaniya saka tumaas ang kilay ko ng lagpasan niya ako.

'Tss'

"Ang sabi niya nandito siya kapag umuwe ako ng bahay"umirap ako saka ako naglakad papunta sa sofa at doon umupo na patalon saka ko pinag-krus ang mga binti ko saka ko tumingin kay mama.

"Ang sabi ng daddy mo may bibilhin lang daw siya hindi naman niya sa'kin sinabi kung ano ang bibilhin niya basta-basta lang siya umalis"

Ano kaya ang binili ni daddy?

"Hindi ko nga papansinin si daddy pag dumating siya"agad lumingon sa'kin si mama ng marinig niya ang sinabi ko,agad siyang nameywang at tumingin sa'kin.

"Bakit hindi mo papansinin ang daddy mo?!"napairap ako saka ako tumingin sa bintana namin.

"Eh nasan ba siya? He's not here ang sabi niya kase sa'kin hihintayin niya ako pero pag-uwi ko where is he? he's going to anywhere? nakakatampo naman siya"kunwaring naiinis na sabi ko.

"Paenglish-english ka pa diyan hindi ka mayaman kaya umayos ka!"

"Mama, I do not care if I speak english because I want speak english"

"Psh, mali grammar mo!"tumaas ang kilay ko sa sinabi niya saka ko tumingin sa kaniya.

"Ano ba dapat, mama?"

"Wala akong pakealam kung magsalita ako ng english dahil gusto ko magsalita ng english"tumawa ako ng tumawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang dami ng tawa ko.

"Eh tinagalog mo lang ang sinabi ko eh"natatawa na usal ko.

"You don't care"sabi pa niya saka siya umakyat sa taas at pumasok sa kwarto nila daddy.

"Paenglish english din naman siya ah? Ano bang mali sa pag-eenglish kahit na hindi ka mayaman? Tss!"bulong ko.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko saka ako humiga sa kama ko. Nakaramdam ako ng sakit ng likod ko pagkahiga ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko, kwarto ko na naging saksi sa buong hinanakit ng puso ko.

Tumayo ako saka ako kumuha ng box at tsaka ko kinuha ang mga binigay sa'kin ni Jack ng kung ano-ano pati damit niya na pinahiram sa'kin ay inilagay ko na sa box pati yung mga picture namin na wala naman kwentang alaala nilagay ko na rin. Bumaba ako saka ako pumunta sa likod ng bahay namin at sinunog don tinignan ko pa iyun hanggang sa maging abo na lang. Umakyat ako sa kwarto ko tsaka ako tumingin sa kisame ko.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon