Chapter 1: Hi Ex

163 1 0
                                    

Gumising ako na mugtong-mugto ang aking mga mata. Bumalik na naman ako sa dating ako. Walang pakialam sa mundo. Walang pakialam sa paligid ko at wala akong pakialam kung makita nila akong mugto na ang mga mata ko.

Para akong patay. Tatayo ako ng walang buhay. Maliligo ako ng walang buhay at walang kasigla-sigla. Kapag kakain ako ay iniiyakan ko pa ang pagkain ko sa harap ko.

Araw-araw pumupunta dito si Carmela. Araw-araw niyang sinasabi na. "Kalimutan mo na siya hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo" e ano magagawa niya kung siya parin hanggang ngayon?

Araw araw din niyang sinasabi sa akin na. "Hindi tanga yung taong nagmamahal ng sobra. Mas tanga yung taong minahal mo nga ng sobra. Naghahanap pa ng iba". Tama naman yung sinasabi ni Carmela. Sadyang tanga lang yung lalaking yun. Balang araw magsisisi rin siyang pinakawalan niya ako.

Tang-inang pag-ibig to! Bakit ba palagi na lang ako nasasaktan? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako kahit isang araw lang? Sa tuwing magmamahal ako napakamalas ko sa pag-ibig. Anong bang kulang sa akin na meron sa iba?

Sa pagpatak ng luha ko kasabay ng pagtugtog ng kantang lalong nagpapasakit sa akin.

Bakit ako pa by:Jencee and SevenJc

Simpleng bagay lang ang tanging gusto ko
Ang mahalin ako ng aking mahal
Yun ay nakuha ko ng dahil sa iyo
Nang binigyan kulay ang aking mundo
Pero hindi madali ako ay di mapakali
Nang malaman kong ako ay may kahati
Labis labis ang hapdi parang di kayang mapawi
Mas pipiliin kong lumayo keysa ang iba ay may masabi.

Sa tuwing nag-eemote ako lagi ko na lang naririnig yang kanta na yan halos makabisado ko na ang kantang yan. Parang alam nila na kailangan kong mapag-isa at kailangan ko makalimot sa aking nakaraan at sakit na naramdaman ko.

Tumingin ako sa langit,makulimlim at parang sinasabayan ang sakit na nararamdaman ko. Tumayo ako at lumapit sa lamesa kung saan nakalagay ang aming larawan. Naglakad ako habang pinadausdos ko ang kamay ko kung saan tinititigan ko ang aming larawan.

Pipiliin kong makalimutan ka lalo yung araw na nakilala kita hanggang sa araw araw kang nakakasama at yung sinabi kong di ko kaya pag wala ka.

Sumabay na ako sa kantang iyun saka tumulo ang luha ko habang isa-isa nag-balik sa akin alaala ang masasayang araw namin hanggang sa makita kong hindi lang ako ang mahal niya! Pinagsabay niya kami! Minahal niya kami ng sabay. Dahil ayaw kong may kahati ako ang nagsakripisyo para sa ikakasaya niya. Handa ako magsakripisyo para sa kaniya dahil mahal ko siya kahit na masakit para sa akin ng malaman kong hindi niya ako mahal!

Napaupo ako sa sahig at umiyak doon. Hindi ko na kaya kailangan ko siyang kalimutan. Ayoko nang masaktan sawang sawa na ako mapaso sa mainit niyang pagmamahal. Sa mainit niyang pagmamahal na akala ko ay siya na! Siya na ang huli ko! Pero hanggang akala lang pala iyun.

Bakit sa dinami daming tao dito sa mundo bakit sa kaniya pa ako nahulog? Hindi ba pwede sa isang taong sigurado na ako?

Yung puso ko parang wala ng buhay. Hindi ko na nararamdaman na tumitibok ito. Patay na ba ako?  Sana magising ako isang araw  wala na ako sa mundong ito. Paano kaya kung wakasan ko na ang buhay ko ngayon palang? Ano kaya ang mangyayari sa mga magulang ko?

Gusto ko ng matulog ng walang gisingan.

Isa lang ang pagkakamali ko. Nagmahal ako sa isang tao na alam kong sasaktan ako at iiwan rin ako.

Napatayo ako ng marinig kong may kumatok sa pintuan ko. Pinunasan ko ang luha ko bago ako maglakad para buksan ang pinto kung sino iyun.

"Karen anak ka-----"napahinto lang siya sa pagsasalita ng makita niya ang kalagayan ko. "Nangyari na naman ba ang nangyari sa iyo noon?"ang tinutukoy niya ang nakaraan ko na nasaktan rin ako. Tumango na lang ako sa kaniya niluwagan niya ang pinto saka siya humarap sa akin. "Ito na naman ba tayo? Kailan ba ako matatapos sa kakapayo sa iyo?"napayuko na lang ako. "Anak ito lang ang sasabihin ko sa----"hindi ko na siya pinatapos at inunahan ko na siya.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon