Chapter 7: Meet Him Family

42 1 0
                                    

"Hey love, are you done?"sigaw niya.

"Not yet, love"sigaw ko rin.

Nandito kami sa bahay nila pinakilala na niya ako sa parents niya hindi naman sila humadlang dahil pwede parin siya mag-girlfriend kahit na ikakasal siya sa pagdating ng panahon.

Mabait ang parents niya lalo na ang mommy niya at sobrang cute naman ang bunso niyang kapatid na babae. Nakakagigil ang mga pisngi niya dahil sa taba niya.

Sa una kinabahan ako dahil baka hindi nila ako tanggapin bilang girlfriend ni Ethan. Pero ng makarating ako sa bahay nila nagulat ako ng malaman kong tanggap nila ako at welcome ako sa bahay nila.

Lumabas ako sa CR iba na ang damit na suot ko dahil natapunan ako ng juice ni Alliah. Pinahiram na muna ako ni Ethan ng damit niya.

Nakita ko pa kung pano niya ako tignan mula ulo hanggang paa. Napangiti siya at hiwakan ang baba at sumipol. Tumaas naman ang isa kong kilay.

"Why are you looking me like that?"

"Bagay sayo yung damit ko, ibigay ko na kaya lahat ng damit ko sayo?"

"Tss, abno! Edi nawalan ka naman ng damit at tsaka okay na sakin tong damit mo kahit medyo maluwang ng kaunti wala bang medyo hapit naman sakin?"

"Okay na yan bagay na nga sayo e maghahanap ka pa?"

"Pakialam mo ba? Tss para kaseng hindi bagay sakin lalo na sa suot kong pantalon gosh mukhang manang ata ako sa suot ko"

"Hindi ah kahit na magmukha kang manang ikaw parin ang pinakamagandang dalaga sakin mata"

"Tss kantahin mo na lang kaya!"

"Wag na baka mainlove ka pa sa boses ko"nakangiti na sabi niya. Inirapan ko siya at tumingin sa salamin.

Ampanget hindi bagay!

"Ethan wala ka na ba talagang ibang damit diyan? Kay tita meron bang magkakasya sakin?"pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

Ang panget talaga kahit anong gawin ko e.

"Okay na nga yan Love, baka kase maagaw ka pa sakin ng mga hardinero namin sa labas, sige ka kapag inagaw ka nila sakin magpapakamatay ako wala ka ng makikitang Ethan na mabait, gwapo, mapagmahal"

"Di bale na yung hardinero keysa naman sayo na masyadong bilib sa sarili, okay na nga 'to, tara na kakausapin daw ako ni tita"

Nauna na akong lumabas ng kwarto niya at naglakad. Naramdaman kong marahan niyang niyakap ang bewang ko at hinalikan ako sa noo.

Sabay kaming naglakad at pumunta sa garden. Nandoon daw kase si tita hinihintay ako.

"Okay ka lang ba? Kung hindi mo pa kayang harapin si mommy ako na kakausap sa kaniya"sabi niya ng makarating kami sa garden.

Ngumiti ako sa kaniya.

"No okay lang ako sige na pupuntahan na lang kita sa loob ng bahay"

"Sigurado ka ba talaga?"

"Oo nga, sige na pumasok ka na don"

Hinalikan ko siya sa labi niya tsaka ko siya tinulak.

"Sige na alis na love"

"Yung first kiss ko"wala sa sariling usal niya, natawa ako.

"Yung first kiss mo love akin lang yun, sige na punta na ako kay tita"sabi ko, kumaway na lang ako kahit na mukhang tanga siya na kakasabi ng first kiss habang nakangiti.

Baliw ka love. HAHA

Nakita ko si tita na nakaupo sa bench kami lang ang nandito dahil ang iba nasa loob na ng bahay. Bumuntong hininga ako bago ako lumapit sa kaniya.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon