Chapter 36: Comeback

32 0 0
                                    

Ethan's Pov

Nagising ako sa kilala kong kwarto nilibot ko ang paningin ko para itama nga na nandito ako sa kwarto nila Airon.

Nakita ko sa side table na may planggana tsaka bimpo. Nakita ko rin na iba na rin ang suot kong damit.

'Ba't kase naisipan ko na magpaulan?'

Tatayo na sana ako ng mahilo hinipo ko ang leeg ko mainit ako at nagugutom na rin ako.

Pinilit kong tumayo para umuwe na sana ayokong mag istay dito dahil alam ko naman na ayaw ni Karen na nandito ako dagdag sakitin lang ako ng ulo.

Alam ko naman na may kasalanan din ako pero ayoko naman na matapos kami ng ganon ganon lang agad ayoko na kaunti lang ang memories namin dalawa. Gusto ko pa sana siya makasama dahil kaunti na lang talaga mapapapayag ko na si daddy na h'wag na ituloy ang kasal namin.

Kailangan ko lang talaga na maibalik kami sa dati. Ibabalik ko ang tiwala niya na naiwala ko. Oo mahal ko parin siya pero parang wala na kaming pag-asang dalawa masakit isipin pero kailangan tanggapin kahit na mahal na mahal ko siya.

Iba talaga kapag minahal mo siya ng sobra tapos iiwan ka rin pala niya pero alam ko naman na may kasalanan akong ginawa. Kasalanan ko 'yon kaya niya ako iniwan.

Demonyong Ara'ng 'yon bakit kailangan bumalik pa siya kung kailan wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Kinuha ko na muna ang cellphone ko bago ako lumabas ng bahay alam ko naman na wala ng tao dito dahil last na lamay na ngayon ng mommy ni Steven.

Lumabas ako ng bahay nila at sinarado ang pinto pumara ako ng taxi.

May ireregalo ako sa kaniya pero hindi pa sa ngayon dahil hindi pa naman siya nagiging doctor o nurse. Yong hospital ni Papa Eddie na bakante hiningi ko 'yon sa kaniya binigay naman niya sakin dahil sinabi ko sa kaniya kung kanino ko ibibigay 'yon.

Pina-ayos na namin ni Papa 'yon kinumpleto na namin ang gamit don kaya ngayon nabuksan na namin ang hospital na 'yon ako muna ang namamahala don dahil gusto ko kapag naging doctor na siya ibibigay ko na lang sa kaniya ang titulo ng hospital na 'yon.

Ilang minuto lang nakarating na ako sa bahay namin. Pasuray suray na ako sa paglalakad sobrang bigat ng pakiramdam ko gusto ng bumigay pero wala pa ako sa kama ko o sa tamang lugar nasa labas palang ako pero sobrang sama ng pakiramdam ko.

Binuksan ko ang pintuan namin tsaka ako dumeretso sa sofa bed at doon humiga. Lumapit sakin si mommy tsaka niya ako hinawakan sa braso.

"Bakit ang init mo anak? May sakit ka ba?"nag aalala na tanong sakin ni mommy.

"Sobrang sama ng pakiramdam ko mommy matutulog na muna ako"mahina na sabi ko tsaka ako natulog. Bago ako matulog narinig ko ang sinabi sakin ni mommy.

"Sige matulog ka na diyan pupunasan na kita"sabi niya.

                                  ***
Nagising ako ng may maramdaman na may humawak sa braso ko pababa sa kamay ko at nilagay 'yon sa pisngi niya.

Kilala ko ang kamay na 'yon kilala ko rin ang pisngi niya kaya minulat ko kaagad ang mata ko at hindi nga ako nagkamali si Karen ang nasa tabi ng kama ko.

"Ano ginagawa mo dito?"tanong ko sa kaniya.

"Ayaw mo ba ako na nandito? Sige uuwe na ako"binitawan niya ang kamay ko tsaka siya tumayo. Bumangon ako tsaka ko hinawakan ang kamay niya.

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko na nandito ka syempre gusto ko"tumango siya tsaka siya uli naupo sa tabi ko habang ako nakatingin lang ako sa kaniya.

"Bakit mo kase naisipan na magpa-ulan magdamag alam mo naman na delikado 'yon e"ramdam ko sa boses niya ang sobrang pag-aalala. Napangiti ako ng palihim pero agad din 'yon nawala.

"Sinabi ko naman sayo na hindi ako aalis don hangga't hindi ka dumadating"

"Pero dapat umuwi ka na ng makita mo akong umalis pwede naman yon ah?"

"Kahit don lang maibalik ko yong tiwala mong naiwala ko"iniwas ko ang tingin sa kaniya.

"Kahit anong gawin mo naman kase hindi mo na maibabalik ang tiwalang naiwala mo"

"Naiintindihan ko naman pero pumunta ka ba dito dahil nag aalala ka sakin?"hindi parin ako tumitingin sa kaniya.

"Malamang!"

"Aalagaan mo ako?"

"Malamang kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit!"

"Mahal mo parin ako?"

"Malamang!"

Doon na ako tumingin sa kaniya nakangiti na ako habang siya natuptop ang bibig nanlalaki ang mata dahil sa gulat.

"A-ano ba nasabi k- ko?"utal na sabi niya.

"Sinabi mo sakin na mahal mo parin ako"

"H-hindi 'y-yon t-totoo ah!"

Sumama 'yong tingin ko sa kaniya pero agad din 'yon napalitan ng tawa na malungkot.

"Please don't deny it please tell me that you love me. Ayoko naman na ganito na lang tayo palagi e gusto ko lang naman na mahalin mo ako e gusto ko lang naman na makasama kayo ulit ni Airon gusto ko lang na kayakap kita araw araw nahahawakan kita. Lahat ng gusto ko, gusto kong gawin 'yon"tumulo ang luha ko hinawakan ko ang parehong kamay niya 'yong isang kamay niya nilagay ko 'yon sa bibig ko at  hinalikan ko 'yon. "Kaunting hintay lang Karen mapapayag ko na si Daddy na h'wag ng ituloy 'yong kasal namin ni Carmela ayoko rin naman na hanggang doon lang tayo gusto ko na kasama kita hanggang sa tumanda tayong dalawa"

Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Ang hirap rin naman para sakin na hanggang dito lang tayo ah? Isang buwan lang tayo ang hirap mong kalimutan Ethan kahit anong gawin kong makalimot sayo hindi ko magawa dahil mahal na mahal kita kahit na maraming nagkakagusto sakin ni isa wala akong maramdaman dahil ikaw parin ang nasa puso ko Ethan"tinuro niya ang puso niya habang nakatingin sakin.

"Pero bakit nakipaghiwalay ka sakin? Ginawa ko naman ang lahat mapalayo sakin si Ara sakin e pero siya ang lapit ng lapit sakin 'yong halik na 'yon hindi ko ginusto dahil labi mo lang ang gusto kong tikman pero bakit kailangan mong sabihin sakin na hindi mo na ako mahal? Halos mawala na ako sa mundong ito gusto ko ng tumalon sa building na 'yon pero ang iniisip ko kayo ni Airon ayokong mawalan ng Daddy si Airon ayoko naman na mawala ka rin sakin kaya lahat lahat gagawin ko para mabalik ka lang sakin Karen hayaan mo na buoin ko uli 'yong puso mo na winasak  ko pwede ba 'yon?"

Nagmamakaawa na tinignan ko si Karen sa mga mata niya. Nakatitig lang siya sakin parang binabasa niya ang mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Kung ibibigay ko uli 'yong puso ko sayo hindi mo na ba uli ito wawasakin?"

"Promise kung wawasakin ko man yan sapakin mo ako patayin mo ako lahat ng gusto mo gawin mo"

"Paano kung putulin ko yang ari mo?"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinawakan ko kaagad ang ari ko.

"Wala naman ganunan payag ako sa lahat pero h'wag 'to nakakapagbigay ako ng isang dosenang anak Karen"

"Wala akong pakialam don. Basta yan ang gusto kong putulin"seryoso na sabi niya.

"Okay payag na ako basta tayo na uli?"nakangiti na sabi ko.

"Oo"nakangiti rin na sabi niya.

"Tara nga dito"inilahad ko ang kamay ko sa kaniya agad naman niya iyon hinawakan tsaka ko siya hinila pahiga sa tabi ko.

"Ano ba Ethan ang init init mo h'wag mo akong yakapin!"naiinis na sabi niya natawa naman ako.

"Love ang tawag mo sakin simula ngayon h'wag mo akong tawagin sa pangalan ko"hinalikan ko ang noo niya tsaka ko siya niyakap na mahigpit. "Gusto lang naman kitang yakapin Love namiss kita ng sobra"madamdamin na sabi ko.

"I miss you so much"mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sakin napangiti ako.

'Hindi ko hahayaan na mawala uli siya sakin'

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon