Chapter 26: He's my officially son

22 1 0
                                    

"Sino ka?"sabi ng nanay ni Airon pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at ngumisi. "Ah nurse"tumango tango pa siya. "Kamusta na ang anak ko?"

'Anak?! Wow galing mo po ma'am!'

"Okay naman po siya"sarkastikong sabi ko.

"Okay naman pala siya e bakit pa kase natin pinuntahan? Mag-aaksaya na naman tayo ng oras sa batang 'to tara na baka hinihintay na tayo ni Apple"sabi ng tatay ni Airon.

Doon ko nga talaga napatunayan na wala silang kwentang magulang. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila.

"Ma'am, sir kung ayaw niyo na po kay Airon pwedeng sakin na lang? Tutal napagtabuyan niyo na rin naman po siya aampunin ko na lang po"natawa silang dalawa. Napataas ang kilay ko.

"Ikaw? Aampunin mo 'tong anak ko? Ako na magsasabi sayo mauubos lang ang pera mo dahil sa kaniya wala naman kase siyang kwenta"sabi ng nanay ni Airon. Napangisi ako.

"E ano naman po kung maubos ang pera ko ng dahil sa kaniya? At tsaka kaya ko naman po siyang pagamutin. Sabihin niyo lang po sakin na pumapayag kayong ampunin ko si Airon?"

"Ampunin mo hangga't sa gusto mo sawang sawa na kami sa batang 'yan bukas na bukas ayusin mo ang mga papeless niya"sabi ng tatay ni Airon.

"Bukas na bukas din maayos ko ang papel niya"

Binuksan ng babae ang bag niya at may kinuha na brown envelope don at inabot sakin.

"Ito ang birth certificate niya. Ipayos mo 'to kailangan hindi na kami ang nakalagay diyan at dapat ikaw na ang nakalagay diyan huwag kang mag-alala hindi namin kukunin sayo ang batang 'to dahil sawa na kami sa kaniya. Mauuna na kami"sabi niya at umalis na. Binuksan ko ang birth certificate ni Airon.

Tinignan ko si Airon. Nilapag ko ang envelope at umupo sa tabi ni Airon.

"Magiging anak na kita Airon. Hindi mo na kailangan magdusa mamahalin kita ng isang tunay na anak hindi ko sayo ipapadama ang pinadama ng mga magulang mo"hinaplos ko ang buhok niya.

Lumabas ako ng kwarto ni Airon. Dina-ial ko ang number ni Kuya. Wala pang isang ring nasagot na niya.

"Bakit baby girl? May kailangan ka?"tanong niya.

"Pumayag na ang mga magulang ni Airon na ampunin ko siya. Kuya may kakilala ka bang lawyer? Kailangan ko kase baguhin ang mga papeless ni Airon at para na din ako na ang magulang niya."

"May kilala akong lawyer sasabihin ko sa kaniya at bukas papapuntahin ko na lang sa bahay niyo huwag ka na muna pumasok asikasuhin mo muna ang papeless ni Airon"

"Oo, Kuya salamat"

"Sige na tatawagan ko na siya. I love you ingat ka sa work mo"

"Opo bye I love you too"

Siya na ang nagbaba ng linya. Lumabas na muna ako ng hospital at bumili ng prutas at pagkain ni Airon. Nang makabili ako agad akong bumalik sa hospital nadaanan ko pa si papa sa isang kwarto na ginagamot ang inoperahan niya. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ni Airon. Naabutan ko siyang gising na, ngumiti ako sa kaniya tsaka ko nilapag ang pagkain sa lamesa. Nakita kong hawak niya ang birth certificate niya.

"Kamusta ka na Airon?"tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ate nandito ang birth certicate ko? Galing ba dito sila mommy? Bakit hindi nila ako pinuntahan ng maaga?"sunod sunod na tanong niya nanggilid ang luha niya.

"Alam mo Airon, kaya 'yan nandito dahil nagpasiya na akong ampunin ka pumayag ang parents mo kaya bukas na bukas aayusin ko na ang papel mo"sabi ko sa kaniya. Nakita ko pa ang pagngiwi niya.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon