Ang tungkol sa kasal ay kumalat na sa buong campus marami na nagsasabi na swerte daw ako sa pakakasalan ko habang ang iba naman gold digger lang naman daw ako maraming nagtatanggol maraming nagsasabi na hindi ako ganoon pero hinahayaan ko na lang sila sa mga sabihin nila dahil hindi naman 'yon totoo kaya hinayaan ko na lang sila.
Nagtratrabaho parin ako sa hospital ni papa tumaas ang sahod ko sa kaniya at pinatayo ko na ng bussiness si mama ng isang tindahan malapit sa pagtatayuan ko ng bahay. Nakabili na rin ako ng lupa para kay mama at nasisimulan ko na ipatayo ang bahay hindi pa 'yon tapos dahil nauumpisahan palang 'yon.
Si Kuya hindi parin nagpaparamdam sakin hanggang ngayon pero may sinabi siya sakin na pumunta daw ako sa park na kung saan madalas siya alam ko naman 'yon kaya mamayang gabi pupunta ako.
Hinatid ko na muna si Airon sa room niya bago kami pumasok magkakasama parin kaming magkakaibigan maingay sila at palaging sinasabi na 'ikakasal na si Karen' natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Hoy Karen kapag kinasal ka na walang kalimutan ah?"malungkot na sabi ni Nat. Natawa ako.
"Hoy babe ikakasal lang ako pero hindi ko kayo kakalimutan at tsaka pagkatapos ng kasal back to studies na uli kami"
"Bakit hindi kayo mag-hohoneymoon?"tanong ni Tan. Binatukan siya ni Carmela nagpalitan sila ng tingin na masama.
"Ano ka ba?! Kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka na lang! Basta sex ang usapan active na active ka pero pagdating sa lesson ang bobo mo!"naiinis na sabi ni Carmela.
"Hoy 'yong bunganga mo Carmela ah! Bakit masama ba 'yon? Napakainosente mo naman kung hindi mo alam 'yong tungkol sa Dog style, 69, at iba pa"
Napasabunot si Carmela sa buhok niya tsaka siya masama na tumingin kay Tristan. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa na nagbabangayan.
"Hay tumigil ka na Tan puputulin ko talaga yang dila mo"
Nilabas ni Tan ang dila niya.
"O sige putulin mo na"natatawa na sabi ni Tan. "Pero syempre joke lang 'yon hahaha"tumakbo si Tan papasok sa room niya.
"Hay nakakainis na talaga siya!"napapadyak pa si Carmela sa sahig. Natawa kaming lahat.
"O bakit kayo natatawa?"napakasama ng tingin samin ni Carmela kaya natigil kami sa pagtawa tsaka kami umalis don at iniwan siyang mag isa.
"Napapano na kaya 'yon?'tanong ni Saira.
"Ganiyan talaga siya kapag hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng isa man sa amin"sagot ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ethan ng mahigpit.
"Pero totoo nga na wala kayong honeymoon?"si Nat.
"Wala masyado pa kaming bata para don at tsaka nandiyan naman si Airon ah? Tsaka na kami mag-aanak kung nakapagtapos na kaming dalawa"
"Pero mahirap para sa inyo yan na nag-aaral kayo tapos mag-asawa na kayo"
"Walang mahirap sa isang worth it naman"nakangiti na sabi ko. Napangiwi naman si Nat.
"Ewan ko sayo nababaliw ka na rin gaya ni Carmela"siya naman nagwalk out.
"Ano naman nangyari don? Tama naman diba ang sinabi ko?"turo ko kay Nat na naglalakad na mabilis sa room napatingin pa siya sakin tsaka niya ako inirapan. Nagtataka naman na tinignan ko sila Saira.
"Ang totoo niyan kase noong sinabi mo samin na ikakasal ka matapos ang usapan natin apat kaming tatlo naman ang nag-usap pinag-usapan namin 'yong gown na isusuot namin sa kasal mo pero si Natalie hindi nagsasalita tahimik lang siya pero sabi niya ayaw daw niya na ikasal ka dahil bata ka pa raw"si Christine.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...