Chapter 44: Wedding, Accident

41 0 0
                                    

Pagakatapos ng proposal sakin ni Ethan ay hinatid niya kami pero sa kotse ako nakasakay kasama si Bino at si Airon bumaba na kami at agad akong lumapit kay Bino.

"Anak umuwe ka na sa bahay niyo panigurado hinahanap ka na nila"sabi ko sa kaniya napanguso naman siya. Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya. "Sige na anak kita na lang tayo bukas"mas lalong humaba ang nguso niya kunwaring piningot ko pa ang nguso niya.

"Mommy ayoko pang umuwe gusto ko sa inyo matulog"sabi pa niya. Naramdaman ko naman na tumabi si Ethan sakin dahil alam ko ang amoy ng pabango niya.

"Sorry anak pero baka hindi ka payagan ng nanay mo lalo na sakin ka matutulog. Sige na umuwe ka na"pamimilit ko pa sa kaniya. Nagpapadyak pa siya sa sahig natawa naman si Airon sa kaniya.

"Go tell your parents!"nakangiti na sabi ni Airon nagtataka naman na tumingin sa kaniya si Bino. Natawa naman ako.

"H'wag ka kaseng mag english tsk!"sabi ko natawa naman si Airon. "Sabi ng Kuya mo magpaalam ka daw na dito ka matulog sakin sige na magpaalam ka na para payagan ka"sabi ko napangiti naman siya at agad na tumakbo sa kanila. Tumingin naman ako kay Ethan.

"Mukhang wala na akong pakialam sa bata ah? Lahat sila ay malapit sayo"sabi pa niya. Napangiti naman ako at hinila si Airon at inakbayan.

"Nasa akin kase sila don't worry magkakasama naman na tayo kapag natapos na ang kasal natin"nakangiti na sabi ko sa kaniya na siya rin ang pagkusa ng pag-ngiti niya.

"Ang gwapo niya!'

"Ikaw parin naman ang daddy namin kahit na malayo ka samin"si Airon lumapit sa kaniya si Ethan at ginulo ang  buhok ni Airon.

"Bakit ba ang swerte ko sa inyo ng mommy mo?"

"Dahil mahal ka namin ni mommy ganon 'yon dad kahit na hindi mo kami kadugo at hindi ka namin tunay na daddy mahal ka namin ni Bino at tsaka pinaranas mo samin ang pagmamahal na hinahanap namin sa isang magulang kung pwede nga lang ampunin na rin ni mommy si Bino ay ginawa na namin kaso may mga magulang pa siya kaya naman mamahalin ka namin ni Bino kahit na malayo ka samin"kusa kaming napangiti ni Ethan sa sinabi ni Airon.

"Ngayon ko sasabihin na maswerte talaga ako sa inyo ng mommy niyo h'wag niyo ako iiwan ah?"

"Oo naman dad kayo pa? Mahal ka namin e"

Yumakap si Ethan kay Airon agad naman akong sumama at hinalikan sa pisngi si Ethan.

"Sama ako!"rinig kong sigaw ni Bino natawa kami at sinama na namin siya group hug namin.

"Hays sakin ka na kaya muna Airon?"tanong ni Ethan natawa naman si Airon at umiling. "Ano ba naman 'to ayaw niyo sakin sumama pero mahal niyo ako?"

"Katulad nga ng sabi ko po dad magkakasama na rin po tayo malapit na po ang kasal niyo ni mommy at panigurado dito tayo titira diba po mom?"baling sakin ni Airon. Tumango na lang ako sa kaniya tumingin ako kay Bino na may bitbit ng bag.

"Pinayagan ako ni nanay, mom kaya tara na po"si Bino.

"Oh? Pano na? Nag-aaya na si Bino kita na lang tayo sa simbahan, love"sabi ko sa kaniya. Napangiti naman siya.

"Talikod mga bata"ngingisi ngisi sabi ni Ethan na agad naman ginawa ng dalawa bata. Hinila niya braso ko at siniil ng halik napangiti ako bago ko tugunan ang halik niya.

Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya habang siya ay nakahawak sa bewang ko ang parehong kamay niya.

Ang isang kamay ko ay inihawak ko sa batok niya at diniin pa sakin.

Siya na ang unang bumitaw sa halik na 'yon habol ko ang hininga habang nakatingin sa mga labi niya at agad na tumingin sa mata niya.

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay dahil nag-iisa ka lang Karen Eizel Bautista soon to be my wife"nakangiti na sabi niya.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon