Chapter 41: Bonding

29 0 0
                                    

Mga ilang araw ng huling beses na pagkikita namin ni Ethan magkavideo call lang kaming dalawa o magkatawagan kapag walang ginagawa.

Natuwa ang mga kaibigan ko sa niregalo sakin ni Ethan pero syempre mas natuwa si mama at si daddy. Hindi daw nila akalain na reregaluhan ako ng ganon ni Ethan kaya naman nag-yaya si daddy na magbonding kaming lahat at syempre sinama ko ang pinsan ko na si Mina.

Nag-ayos na muna kaming lahat bago kami sumakay sa kotse. Gusto ko sana isama sila mama kaso ayaw nilang sumama dahil may lakad daw sila kaya kaming na lang magkakaibigan ang sumama. Ang nakasakay sa kotse ko si Mark lang sa kabila naman sila Carmela, Troy, Tristan pero syempre ang driver si Troy hindi kase mahiwalay sakin si Mark kaya sakin siya sumakay.

Pinaandar ko na ang kotse ko syempre ako ako ang nauna kase ako ang may alam kung saan nakatira si Mina nasa Maynila kami kaya naman sa Laguna pa namin susunduin si Mina ang pagkakaalam ko wala silang pasok ng isang linggo kaya alam kong papayagan ni ate si Mina Broken family sila kaya si Mina ay na kay ate si tita naman nagtratrabaho lang kalapit sa school namin isa siyang kasambabahay kaya nangako ako kay tita na kapag natapos na ang bahay na pinapagawa ko ay dito na sila titira para may sarili na silang bahay at papatayuan ko na rin sila ng business para hindi na magtrabaho si tita bilang isang kasambahay.

Tumingin ako sa salamin para tignan si Mark sa likuran. Nakatulala habang nakatingin sa salamin may problema ba siya?

"Mark, ang tahimik mo ata ngayon?"tanong ko. Tumingin siya sakin at umiling.

"Tahimik naman talaga ako ah?"sabi niya. Napairap ako sa sinabi niya kung hindi lang talaga ako ang driver nasapak ko na 'to.

"Duh! Iba kase ang tahimik mo ngayon, no?"

"May iniisip lang kase ako e"

"Babae? Bakit may nagustuhan ka na ba ngayon? Sino si Natalie ba?"

"Oo babae pero hindi si Natalie"

'Wow, lumalablayp na si Mark'

"So sino ang babaeng nasa isip mo? Kung hindi naman pala si Natalie?"

"Matagal ko na siyang gusto"sabi niya at agad na tumingin sakin nakita ko dahil tumingin ako sa salamin. Malungkot ang nga mata niya at parang napakalaki nga ng problema niya sa babae. "Kaso ikakasal na siya wala akong magawa dahil hindi naman ako ang gusto niya kahit na masakit kailangan kong tanggapin na hindi ako ang gusto niya at iba"malungkot ang boses niya.

"Ilan taon ba 'yang sinasabi mo?"

"I don't know"

"Eh? Ano kaya 'yon?. Pero Mark nakaapekto ba 'yong pangako niyo sakin? Kung hindi niyo sana ginawa ang pangako niyo edi sana may jowa ka na"

"Hindi naman nakaapekto 'yon natutuwa nga ako dahil ikakasal ka na alam ko naman na masaya ka na sa kaniya"sabi niya pero hindi ko na narinig 'yong kasunod na sinabi niya dahil binulong na lang niya 'yon.

"Pero Mark bakit hindi ka umamin sa kaniya?"

"Hindi ko magawa dahil masaya na siya ano pa ba gagawin ko? Nirerespeto ko naman siya e"

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong wala akong masasabi sa kaniya dahil first time lang niyang mainlove sa babaeng hindi naman siya pwedeng mahalin.

Tinitigan ko pa siya bago ako tumingin sa kalsada. Alam ko ang ugali ni Mark kabisado ko na siya kapag may nagugustuhan siya at hindi siya nito gusto ang drama niya nakita ko na siya kung paano maheartbroken sa babae kaya nga hangga't maari ayokong nakikita siyang nasasaktan.

Nakita ko na siyang nasaktan may isang beses na nireject siya ng babae nakita ko kung paano gumuho ang mundo niya nawala sa sarili, at halos magpakamatay na sa sobrang pag-reject sa kaniya ng babae. Naalala ko na naman ang araw na 'yon.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon