Bumaba ako at pinuntahan si Kuya na nag-aabang sa labas ng gate ng bahay namin at sinisigaw ang pangalan ko.
Binuksan ko ang gate tsaka ko tinignan si Kuya na namumungay na ang mga mata niya.
Doon niya hindi nakayanan ang sobrang kalasingan dahil napayakap na lang siya sakin laglag ang parehong kamay at ang ulo na nakasubsob sa leeg ko at narinig ko ang mahina niyang hikbi na mas nagpagulat sakin.
"Kuya?"mahina na sabi ko tsaka ko hinagod ang likod niya. "Kuya anong nangyari sayo ba't ka naglasing? Ano ba problema Kuya?"hindi ko na alam ang gagawin ko alam kong may problema ngayon si Kuya kaya siya ganito pero kailangan ba na idaan sa alak?
"Baby, I need you!"yon lang ang nasabi niya at muntik na matumba mabuti na lang nasalo ng body gurd namin.
"Manong pakipasok na lang po si Kuya sa kwarto namin ng anak ko"sabi ko kay manong tsaka ko binigay sa kaniya si Kuya dahil nabibigatan na ako.
Sinundan ko lang sila ng tingin habang pinapasok ni manong si Kuya sa bahay. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang kotse niya na nakita ko kagabi.
Hindi ko alam kung bakit kami sinundan ni Kuya hindi naman niya siguro ako sinundan kung wala siyang problema na mabigat. Paano ko siya kakausapin kung lasing naman siya? Ba't ba ganito ang mga lalaki dinadaan sa inom ang problema kung pwede naman harapin nila ang problema nila?
Pumasok na lang ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko na don natutulog si Airon at sa kabilang kama naman si Mark. Hindi siya natulog sa tabi ko dahil sabi niya katabi ko raw si Airon kaya naman hindi siya natulog sa tabi ko.
Inayos ko ng higa si Kuya sa tabi ni Airon tinanggal ko ang sapatos niya tsaka medyas niya. Kumuha na rin ako ng planggana tsaka ng bimpo para pamunas sa katawan ni Kuya nangangamoy na talaga ang amoy alak sa katawan niya.
Tinanggal ko ang t'shirt niya at bumungad sa harapan ko ang apat na packs abs ni Kuya. Napangiti na lang ako tsaka ko pinunasan ang mukha niya pati na rin sa katawan niya natigil lang ako sa pagpupunas ng katawan niya ng marinig ang sinasabi niya habang tulog.
"Mommy! H'wag mo akong iwan! Parang awa mo na!"yon lang ang sinasabi niya at paulit ulit niyang sinasabi 'yon habang natutulog.
Nakita ko pang may tumulo na luha sa kaliwang mata niya. Pinunasan ko 'yon agad at tumingin kay Kuya. Gusto ko sana siyang gisingin pero kailangan niya ng pahinga at tulog para makabawi ng lakas.
Tumingin ako sa likuran ko ng makarinig ako ng yabag na papalapit sakin. Hinalikan ako sa pisngi ko ni Mark tsaka siya tumingin kay Kuya.
"Anong nangyari sa Kuya mo?"tanong niya tsaka niya inayos ang braso niya na lumaylay sa baba.
"Lasing na lasing siya ng pumunta siya dito. Malamang may problema din 'yan. Si Kuya rin ang nakita ko kagabi, sa kaniyang kotse 'yon"
"Paano niya nalaman na nandito tayo banda sa Marungko?"
"Nagtanong? Ewan ko sa kaniya. Nagdrive siya tapos lasing siya saan naman kaya 'to nag-inom?"
"Baka naman sa chicha?"
Yong chicha na 'yon sa tugatog banda. Para siyang bar pero open space naman siya panay kubo 'yon hindi siya katulad ng ibang bar na may VIP pa pero sa chicha open space lang tsaka tanduay Ice lang ang inumin don paano siya nalasing don?
"Tanduay Ice lang ang iniinom don paano siya malalasing don?"
"Nakakalasing din ang tanduay Ice Karen tsaka halata sa kaniya na magdamag siyang nag-inom"
"Ewan ko sa inyo kayong mga lalaki kapag may problema kayo dinadaan niyo sa inom. Ano bang meron sa alak ha?"naiinis na sabi ko tsaka ako tumingin kay Mark ng masama.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...