Chapter 3: Bitter

124 1 0
                                    

Unti-unti ko minulat ang aking mga mata. Agad tumama ang aking mga mata sa kulay violet na kisame ko alam kong nasa kwarto ako ngayon. Agad nagsilapitan ang aking mga kaibigan kita ko sa kanilang mga mata ang sobrang saya may iba na halos mapaiyak pa sa sobrang saya. Ningitian ko sila para hindi na sila mag alala sa akin.

"Thank god gising ka na rin Karen pinag-alala mo kami"niyakap ako ng mahigpit ni Carmela. Napaluha na lang ako ng maalala ko ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko ang dumi ko ng babae.

"Ano ba talaga ang nangyari?"tanong ni Troy.

Kinuwento ko ang lahat simula sa una hanggang sa nakita nila ako habang kinukwento ko yun at napapaiyak ako dahil habang kinukwento ko yun ay nag-flaflashback sa isip ko ang nangyari sa akin.

"Sabi ko naman sayo wag kang lalabas ng hindi kami kasama e yan tuloy muntikan ka nang marape!"galit na sabi ni Mark. Napayuko na lang ako hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil nahihiya ako dahil hindi ko nagawa ang sinabi niya. "Pero okay na ang lahat, okay naman ang iyong kalagayan kaya panatag na ang loob ko na maayos na ang loob mo"bigla akong niyakap ni Mark napaiyak na lang uli ako ng maisip na meron akong kaibigan na gaya nila.

Sana hindi nila ako iwan gaya ng mga lalaking nang-iwan sa akin.

Hindi na ako sasaway sa mga gusto nila. Hindi na ako lalabas ng mag-isa ng wala sila ayoko ng maulit muli ang nangyari sa akin. Napatigil lang ako sa pag-iyak ng makita ang lalaking tumulong sa akin kanina. Nakahiga siya sa sofa at mukhang natutulog kumalas ako sa pagkakayakap kay Mark saka ko sila takang tinignan.

"Bakit nandiyan yan?"tanong nila napatingin naman silang lahat kay Mark. Takang tinignan ko naman si Mark.

"Bakit?"tanong ni Mark.

"Bakit nandiyan yung lalaking yan?"nguso ko sa tumulong sa akin. Bigla naman lumapit si Tristan sa lalaking yun saka niya ginising nakita ko pa kung paano siya humikab at kung paano niya kinuskos ang kaniyang mga mata.

"Sinama namin baka kase kasabwat din siya e"

"Ano ba ang sinasabi mo? Siya ang nagligtas sa akin"napakamot naman sa ulo si Mark. Bigla naman ako napatingin sa lalaking tumulong sa aking ng tumayo siya pinagpag niya ang kaniyang katawan saka niya inayos ang gusot niyang damit.

"Sabi ko naman kase sa inyo e ako nga ang nagligtas sa kaniya"saka siya lumapit sa akin. "Grabe naman ang mga kaibigan mo masyado naman silang over protective pati inosente nadadamay sa nangyari sayo. Ganyan ba talaga sila?"nakita ko pa na lahat sila ay napayuko. Napabuntong hininga ako bago ko siya tinignan sa mga mata niya.

"Ganyan talaga sila masaya ako dahil meron akong ganyan kaibigan na masyadong over protective at itinuring ka nilang prinsesa"isa isa ko tinignan ang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na sila sa akin. Ngumiti sila sa akin,ningitian ko din sila pabalik.

"Okay, sige na aalis na ako kung kailangan mo ng tulong tawagan mo na lang ako"binigyan niya ako ng calling card. "Ako si Ethan De Guzman"yun lang ay lumabas na siya ng kwarto nakita ko pa na ginulo niya ang kaniyang buhok.

"At kayo? Bakit hindi pa kayo natutulog?"tanong ko sa kanila.

"Sinong hindi makakatulog sa nangyari sayo?"si Tristan.

"Halos hindi kami makatulog dahil sa sobrang pag-aalala sayo"si Troy.

"Inaantok na kami ngayon lahat pero hinintay ka parin namin magising"si Carmela.

"E bakit isa isa kayo nagsasalita siguro pinagpraktisan niyo na ang mga sinabi niyo noh?"

"Hindi noh!"sabay na sabay na sabi nilang lahat. Napataas naman ang kilay ko.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon