Prologue

379 2 0
                                    

"Hoy karen!"sigaw ng kaibigan ko na si Carmela. Palihim kong pinunasan ang luha ko bago ako tumingin sa kaniya. Tumaas ang kilay ko ng bigla niya ako yakapin ng mahigpit!

Hindi ako makahinga sa yakap niya!

"Ano na naman ba Carmela?"naiinis na sabi ko

"Lintik na to! Kakadating ko lang,yan agad ang bungad mo sa akin napakasama mong kaibigan!"sigaw niya sa akin. Natakpan ko pa ang parehong tenga sa lakas ng sigaw niya.

"I don't care"

"Ano na naman ang nabalitaan ko?"tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napakachismosa talaga.

"O, ano na naman ba ang nasagap mo ng bagong chismiss?"lumapit siya sa akin saka niya binulong sa tenga ko.

"Bakit umiiyak ka na naman?"saka niya ako kinurot sa tagiliran. Napadaing ako sa sakit ng kurot niya.

"Tsk! Pati ba naman yan nachichismiss pa?"

"Tsk sikat ka diba?"

"Oo na ako na ang pinakasikat dito!"

"O, bakit ka nga umiiyak?"

"Alam mo naman e bakit tinatanong mo pa?"tumaas ang isang kilay niya. "Chismossa ka diba? Malamang alam mo yun at isa pa kalat na dito sa lugar natin yun bakit mo pa tinatanong sa akin?"

"So tama nga ang nasagap kong chismiss na nasaktan ka naman?"

"Pati ba naman ang bagay na yun nachichismiss pa?"naiinis na bulong ko.

Ako si Karen Eizel Bautista ang babaeng laging nasasaktan at iniiwan, hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan.

__

To be continued.......

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon