Chapter 25:Chemotherapy

40 1 0
                                        

"Anong klaseng mga magulang sila?"si mama. Kinuwento ko sa kaniya si Airon na tinakwil siya dahil lang sa may sakit siya.

"Yon din ang iniisip ko mama. Sino bang mga magulang na hahayaan na mamatay ang anak nila dahil sa sakit? Iniluwa nila at ginawa nila 'yon tapos itatakwil?! Hindi naman ata tama 'yon?"

"Hindi ko din akalain na may ganon magulang. Ano gagawin mo?"

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Aampunin ko si Airon at ako ang magiging magulang niya"matapang na sinabi ko 'yon kay mama nanlaki ang mga mata niya.

Oo 'yon ang pinag-isipin ko kagabi at buo na ang desisyon ko sa pag-ampon kay Airon kahit may sakit siya at kailangan ng pera gagawin ko gumaling lang siya papasukin ko kahit anong trabaho para sa kaniya mapagamot lang siya at maipadama na may nagmamahal sa kaniya kahit na hindi niya ako nanay.

"Anak, masyado ka pang bata para diyan? Diba sabi mo may sakit siya? Saan tayo kukuha pangpagamot sa kaniya"

"Mama buo na ang desisyon ko papasukin ko kahit anong trabaho para sa kaniya hindi ko kayang hintayin na mawala si Airon at kahit na may mana siya sa lola niya at kahit kaya niya ipagamot ang sarili niya wala parin siyang mga magulang. Pano na lang kapag gumaling siya? Saan siya titita? Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa kaniya masyado pa siyang bata para don mama.

"Pero Karen?"

"Mama naawa ako sa kaniya ang bata bata pa niya at ang gusto lang naman niya na may magmahal sa kaniya kahit na hindi niya kadugo. Kahit na ang bata ko pa para dito aampunin ko parin siya kaya kong maging nanay para sa kaniya. Mama hayaan mo naman ako maging ampon siya?"

Tinalikuran niya ako. Napabuntong hininga siya alam kong hindi siya papayag sa desisyon ko dahil may malalang sakit si Airon gagawin ko ang lahat gumaling lang si Airon sa sakit niya at makaligtas. Kahit ako na hindi niya kadugo hahayaan ko bang mamatay siya sa hospital na 'yon? Kahit sino naman hindi papayag na ganon e.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa na 'yon si Kuya.

"Good morning, baby girl"lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning mama"lumapit naman siya kay mama para magmano.

"Mama sige na pumayag na kayo"pagmamakaawa na sabi ko sa kaniya. Hindi ko siya titigilan hanggang sa hindi siya pumayag na ampunin ko si Airon.

Nalilitong tinignan kami ni Kuya.

"There is something wrong? Karen, mama?"tanong ni Kuya. Bumuntong hininga si mama at nagsalita.

"Kausapin mo 'yang kapatid mo gustong mag-ampon ng may brain cancer"nanlaki ang mga mata ni Kuya.

'Bakit kase hindi nila tanggap na ampunin ko si Airon?'

"Karen, ba't ka mag-aampon?"

"Kuya pinagtabuyan na 'yong bata ng mga magulang niya dahil pabigat lang daw siya ng dahil sa sakit niya bumabaon na sila sa utang at lumulubog na ang kanilang business. Gusto ko siyang ampunin dahil gusto kong maranasan niyang mahalin siya kahit na hindi niya ako kadugo hindi naman siguro masama 'yon Kuya?"

"Pero sagutin mo ang lahat Karen"

"Wala na akong pakialam don Kuya. Hindi ko naman gusto na mamatay 'yong batang 'yon sa hospital. Kuya walang kwenta 'yong mga magulang ng bata tinakwil siya at hahayaan na mamatay sa hospital! Hindi ko gustong mangyari 'yon! Ayokong nahihirapan siya at walang siyang kasama habang lumalaban siya!"

"Karen, may sakit siya at alam kong hindi na siya makakaligtas don kakaunti lang ang nakakasurvive don!"

"Kuya naman! Kayo ang pamilya ko bakit hindi niyo gusto na mag-ampon ako?! Kahit hindi kayo pumayag itutuloy ko parin ang pag-ampon kay Airon"

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon