Nandito kami ngayon sa dagat ngjejetski kaming lahat ang partner si Carmela, Troy ako at si Ethan si Tristan, Mark.
Naghahabulan kami sa dagat si Ethan ang driver nakakapit ako ng mabuti sa kaniya para hindi mahulog sa dagat.
Si Carmela ang may gusto na ito kahit na ayaw ko naman talaga natatakot kase ako na baka mahulog ako at walang sasalo sa likuran ko baka kase mamaya may pating na mahuhumaling sakin.
"Love diyan na lang ako sa harapan mo natatakot ako dito"sigaw ko. Narinig ko pa ang tawa niya.
"Ano bang nakakatakot diyan?"natatawang sabi niya. Hinampas ko ang tiyan niya narinig ko pa ang pagdaing niya.
"Ayoko dito love natatakot ako baka mahulog ako dito"
"Kupo love may suot suot kang protector grabe ka naman"
"Ano ba love nang-aasar ka ba?! Ayoko dito love please sige na!"kunwaring naiiyak na sabi ko inihinto niya ang jetski.
"Natatakot ka ba talaga?"mahinahong sabi niya. Napayakap ako ng mahigpit dahil pakiramdam ko tutuwad kami.
"Oo"
"Wala ka naman dapat ikatakot love nandito naman ako e"
"Natatakot parin ako love diyan na lang ako sa harap mo please love"
"Okay sige"bumaba siya sa jetski. Nakaramdam ako ng takot dahil bahagyang gumalaw ang jetski may suot naman kaming life jacket. "Wag kang matakot love hahawakan kita"
"Paano mo ako mahahawakan nandiyan ka sa tubig?"
"Ano ba tiwala lang love"
Umusod ako ng upo at hinawakan ko ang manubela ng jetski tsaka siya sumakay. Binitawan ko ang jetski dahil siya parin ang magmamaneho.
Pinaandar niya ang jetski at nahabol niya kaagad ang mga kasama namin. Paikot ikot lang kami dito sa dagat dahil hindi pwedeng pumunta kami sa malalim.
"Ayan? Hindi ka na ba takot?"sabi niya.
"Hindi na"
Hinalikan niya ang pisngi ko. Napangiti ako.
"Wala ka naman dapat ikatakot love nandito naman ako e"
"Inulit mo lang sinabi mo e"natatawang sabi ko.
"Tsk"
*************
Mga ilang minuto lang natapos na ang pagjejetski namin. Nagtaka sila kung bakit ganon ang pwesto namin ang sabi ni Ethan natatakot ako pinagtawanan nila ako kaya naman nagalit ako si Mark alam niyang takot ako sa Jetski kapag nasa likod ako dahil minsan na rin niya ako naisakay sa jetski.
Nahiya ako sa sinabi ni Ethan pero hindi ko nagawang magtampo dahil mga kaibigan ko sila natural lang yun na hindi pa nila alam ang lahat sakin.
Hindi ko rin naman kase sila gaano kilala kaya parehas lang kami.
"Nakalife jacket ka naman bakit ka natatakot?"natatawang usal ni Carmela i rolled my eyes at her.
"Tsk"singhal ko at bahagyang natawa.
"Bukod sa jetski ano pa ang kinakatakutan mo para alam ko na love"si Ethan.
"Ang mawala ka"nakangiti na sabi ko tinukso agad kami ng mga kaibigan ko.
Napayuko ako at napangiti ng todo.
Naramdaman ko ang pagyuko niya at pinisil niya ang ilong ko.
"Hays love talagang inlove na inlove ka na sakin"
"Tsk"
"Mamaya na yang lampungan kain na tayo nagugutom na ako e"si Carmela tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomanceAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...