Chapter 19: First Day Of School

32 1 0
                                    

Tinapon ko ang alarm clock ko ng marinig na nag-aalarm 'to. Inaantok pa ako at gusto ko pa bumangon pero kailangan kong bumangon dahil pasukan na namin!

Tamad na bumangon ako sa aking kama. Gusto ko pa talaga matulog at wag na muna pumasok! Pero kailangan talaga e!

Kinuha ko ang twalya ko at pumasok sa banyo na nanlalata. Tamad na binuksan ko ang shower at naligo. Mabilis lang naman ako naligo. Pagkatapos pumunta ako sa closet ko para kunin ang uniform ko. Nawala na ang antok dahil sa lamig ng tubig.

Sinuot ko ang uniform at inayos ang sarili. Nagpolbo lang ako at liptint. Bumaba ako pagkatapos ko mag-ayos.

"Good morning mama"humalik ako sa pisngi niya bago ako umupo sa upuan at magsandok ng sinangag at kumuha ng hotdog at itlog pinagtimpla na rin ako ni mama ng kape. "Kumain ka na rin mama"

Umupo siya at nagsandok din ng kakainin niya.

"Pupuntahan ka ba ng mga kaibigan mo dito?"tanong niya.

Ganon naman talaga ang mga kaibigan ko kapag papasok na sinusundo pa nila ako dito at sabay sabay na papasok kami.

"Gaya parin ng dati mama, oo susunduin nila ako dito"nakangiti na sabi ko kay mama, malayong malayo na ito sa mama na nakita ko kahapon mugto parin ang mga mata niya pero iba na siya sa kahapon masigla na siya at bumabalik na siya sa dating siya.

Inubos ko na ang pagkain ko at hihintayin ko na lang ang mga kaibigan ko.

Maya maya lang tumawag na si Mark agad ko itong sinagot.

"Labas ka na My Princess, malapit na kami"

"Sige, ingat kayo"

Pinatay ko na ang linya at kinuha ang cellphone at bag ko. Nagpaalam muna ako kay mama bago ako lumabas ng bahay.

Naghintay lang ako dito sa labas ng bahay namin makalipas lang ng limang minuto nakita ko na ang van na sasakyan namin. Parang amin na rin ang van na 'to dahil ito ang ginagamit namin kapag papasok kami ng sabay at sa tuwing may lakad kami sa kung saan.

Binuksan ni Tristan ang pinto ng van pumasok ako at umupo sa tabi niya humalik ako sa kanilang lahat sa mga pisngi nila bago kami umalis sa bahay.

"Karen, sleep over?"si Carmela. Natatanong pa siya e sa tuwing first day of school ganito ang palagi naman ginagawa ang mag sleep over sa bahay nila Carmela. Minsan sa bahay nila Mark.

Nakilala ko naman ang mga magulang ni Troy at ni Tristan mababait silang lahat nakakatuwa dahil palagi akong welcome sa kanila.

"Sure, wala naman gagawin masyado ngayon. San tayo ngayon?"tanong ko.

"Samin parin syempre pinahanda ko na ang guestroom sa bahay at tayo na lang ang hinihintay"

"Madami bang pagkain? Damihan mo ang mga chips ah? Lalo na yung clover namin ni Karen ah?"si Tristan kaming dalawa ni Tristan ang mahilig sa clover at kahit sa piatos hilig namin dalawa.

"Dinamihan ko na dahil alam kong mahilig kayo don. Ano naman gagawin natin don?"ani, Carmela.

"Sleep over kamo diba? Games, Movie Marathon? Nakakasawa naman 'yun lahat"si Mark.

"Dating gawi, kantahan and tawanan just like our first sleep over together?"si Troy.

Yes, iyun ang una namin ginawa 'yung una namin sleep over sa bahay nila Carmela. Anong oras na kami nakatulog ng araw na 'yun kaya puyat kaming lahat pagpasok namin pero ngayon bawal na ang magpuyat natutulog kami ng 9 or 10 ganon oras basta magising lang ng maaga para kinabukasan.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon