Chapter 15: Allergy

36 1 0
                                    

Sa una palang alam ko na kung ano ang mangyayari sa relasyon namin ni Ethan. Heto ako sumubok, nagmahal at umaasa na sana hindi matuloy ang kasal. May karapatan naman ako dahil boyfriend ko si Ethan hindi naman masama na humadlang sa gusto ng daddy ni Ethan.

Masyado ko siyang mahal, at alam kong mahal din niya ako. Alam kong nahihirapan siya sa relasyon namin dalawa pero ano ginawa namin? Sinubukan namin at umaasa na kami hanggang dulo.

Minahal namin ang isa't isa kahit na alam namin dalawa na malabo samin yun. May mga bagay talaga na kahit anong laban mo hindi parin nag-wowork.

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"maya maya tanong niya. Ganon parin ang posisyon namin, hindi nagbabago.

"Yes, nasubukan ko pero hindi naman pala hanggang dulo. I think hindi yun ang salitang love at first sight kundi. Love at hurt. Magmamahal ka muna bago ka masaktan"

"I think your right. Hindi ko gustong subukan masaktan pero mukhang hindi ata 'yun maiiwasan"

"Ganon naman talaga e, hindi natin yun maiiwasan"

"Paano kapag hindi pumayag si daddy na hindi ako makasal kay Carmela? Mamahalin mo parin ako?"

Nagugulat na tumingin ako sa kaniya.

Mamahalin ko parin ba siya? Pero natatakot ako! Ayokong maging kabit hindi ko gusto! Pero gusto ko siyang mahalin pero mahirap kase e gustuhin ko man pero mukhang malabo?

"S-siguro"utal kong sagot.

Hindi ako sigurado sa sagot ko dahil gusto kong kumpirmahin sa mismong araw na yun. Doon ko lang malalaman kung hanggang saan ako aabot o kung kaya ko pa ba siyang mahalin.

Siguro may tao na rin na nakasubok na ng ganito? O ako palang? Hindi ako sigurado. Hindi ko gustong kontrahin kung ano ang nararamdaman ko pero mapapaisip ka kung kaya mo pa bang lumaban? May dapat bang ipaglaban ka? Kaya ka rin ba niyang ipaglaban? Kaya ka ba niyang ipagmalaki? Ang daming kong tanong pero alam kong ako lang ang makakasagot.

"Bakit naman siguro?"nandon ang lungkot sa boses niya isabay mo pa ang pang-gigilid ng luha niya. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Hindi ko maipapangako na mamahalin kita kahit na ikasal ka. Ang alam ko lang mahal kita kuntento na ako hindi ko gustong maging kabit Ethan"

Tumulo ang luha niya agad ko naman itong pinunasan.

"Bakit? Hindi mo na ako mamahalin?"kinagat niya ang labi para pigilan ang paghikbi.

"Mamahalin kita sa ibang paraan Ethan. Ipaglalaban kita kahit na maubos ako, gagawin ko ang lahat maging akin ka lang uli"ngumiti ako sa kaniya. Pinunasan ko ang luha niya na patuloy sa pagpatak. "Don't cry love nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan"

"Hindi ba ako karapat dapat ipaglaban?"nabasag na ang boses niya dahilan para manikip ang dibdib ko at hindi makahinga ng maayos.

"Karapat-dapat Ethan, yung mga ganiyang katulad mong lalaki deserve mong ipaglaban ka. Gagawin ko naman 'yun love pero gusto ko palagi kitang nasa tabi ko at sinusuportahan ako"

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa noo ko. Naipikit ko ang mata ng mariin at dinama ang halik niya.

Hindi siguro ako makakampante kung mawawala siya sa buhay ko? Ang dami ng lalaking winasak ang puso ko. May panibago na naman wawasak sa puso ko na pinagkatiwalaan ko sa lalaking mahal ko?

"Believe me love, gagawin ko ang lahat para sayo"kusa niyang pinunasan ang luha niya at ngumiti sakin. "Masyado kitang mahal. Sa tingin mo kaya kitang pakawalan? Malabo mangyari love"dinampian niya ng halik ang labi ko.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon