Epilogue

67 0 0
                                    

A few years later

Sampung taon na ang nakalipas simula nong namatay si Ethan. Sa loob ng sampung taon maraming nagbago, nagkikita pa naman kami nila tita at papa dahil hindi ko naman sila pwede hindi puntahan dahil magulang sya ni Ethan kaya kapag hindi busy lumalabas kaming lahat para kumain, gumala sa labas.

Sa loob ng sampung taon ang daming nangyari, halos hindi na ako makapag-aral non at palaging tulala at kung minsan umiiyak, bumagsak ako non pero nahabol ko kaya nakapagmoving-up pa ako non. Ang hirap lang kase dahil 'yong taong inspirasyon ko sa pag-aaral nawala simula nong nangyari 'yon isinantabi ko ang lungkot sa pag-aaral kahit na hirap na hirap na ako non.

Minsan ko na rin sinubukan na magpakamatay para sundan sana si Ethan kaso parang may tumitigil sakin non, sa tuwing ginagawa ko 'yon may bumubulong sakin na 'don't do this please wife, I love you' kaya hindi ko tinutuloy dahil naiisip ko ang dalawang bata kaya simula non hindi ko ginawa 'yon. Natutunan ko na rin kung paano mamuhay ng wala sya kahit na nangungulila pa ako sa kanya, nasanay ako ng wala sya sa tabi ko dahil nasa puso ko sya. Nasanay ako ng hindi sya nakikita dahil nakikita ko sya sa isip ko.

Ilan taon bago pa ako matanggap na wala na sya at iniwan na nya ako hindi naman umaalis sa tabi ko ang mga kaibigan ko, natutulog pa sila sa kwarto ko lahat sila at sinasamahan ako kaya kapag umiiyak ako may dadamay sakin at silang lahat 'yon.

Hinahayaan ko rin na pumunta ako sa mga lugar na pinuntahan namin dalawa dahil sa paraan ganon lang para hindi ko sya tuluyan na makalimutan. Sa bawat importanteng okasyon na dumadaan pinupuntahan ko sya dahil ayokong dumaan ang mga okasyon ng wala syang kasama.

Akala ko sa buhay ko magpapatuloy ako ng hindi sya kasama pero nasa puso ko parin sya hanggang ngayon ang mga alaala namin dalawa hindi ko parin nakakalimutan dahil ang alaala na 'yon ay isang magandang bahagi na sa buhay ko.

Nagtapos ako ng sya ang dahilan, nag-nurse ako ng sya rin ang dahilan, naging isang mabuti akong ina ng sya rin ang dahilan, naging mabuti rin akong amo ng sya rin ang dahilan. Kahit na tapos ako sa pag-aaral at may sariling hospital tumutulong ako sa mga pasyente na kailangan gumaling.

Naiiyak ako sa tuwing ang dalawang bata umiiyak at nangungulila sa tatay nila, wala naman kaming magagawa dahil kahit anong iyak ang gawin namin hindi na namin maiibalik ang buhay nya, kaya tinanggap namin lahat na wala na kaming Ethan.

Si Bino hindi na umuuwe sa bahay nila tuwing weekend na lang sya kung umuwe sa kanila ang sabi nya sakin noon, gusto daw nya akong kasama at hindi na umuwe sa kanila walang nagawa ang magulang nya dahil ang anak din nila nagdadalamhati sa pagkawala rin ng pangalawang daddy nya.

At noong natapos ang bahay na pinagagawa ko, gumawa ako ng kwarto para sa mga picture frame namin lahat, doon nakadisplay ang lahat ng picture namin, araw araw kami nandon ng dalawang bata naglalaro at nanonood dahil nagpalagay ako ng TV don, kahit na wala na sya maalala ko parin sya kahit sa picture lang makita ang mukha nya okay na ako don.

Tapos na sa pag-aaral si Airon at ngayon ay nagtratrabaho sya bilang nurse sa ibang hospital at don sya nagtratrabaho kay papa, minsan naman ay nagdu-duty sya sa hospital ko. Si Bino naman ang kursong kinuha nya ay engineer may jowa na si Bino habang si Airon single pa din hanggang ngayon wala pa sya nagiging jowa at hindi ko alam kung bakit ganon sya ang daming babaeng naghahabol sa kanya pero wala syang magustuhan ni isa.

Sa loob din ng sampung taon may minahal akong isang lalaki pero kahit na may mahal akong iba hindi naman sya nawala sa isip ko dahil sa kanya ko talaga naramdaman ang pagmamahal at mas lalo ko rin minahal ang taong 'to dahil masasabi ko masaya rin ako sa kanya gaya ng pagkasaya ko kay Ethan.

Tatlong taon na simula ng kasal namin, ang singsing na binigay sakin ni Ethan nakatabi 'yon, 'yong kwintas naman na binigay nya suot ko dahil sabi nya araw araw ko 'yon suotin.

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon