Masaya kaming bumaba ng van ang iba kumakanta at ang iba naman masayang pumupunta sa loob ng bahay nila Carmela.
Agad sumalubong samin ang mommy ni Carmela isa isa niya kami niyakap at iginaya papasok.
"Kamusta na mommy ganda?"si Mark. Mommy ganda ang tawag namin sa kaniya at daddy pogi naman ang tawag namin sa daddy ni Carmela 'yun ang gusto nila itawag namin sa kaniya gusto daw nila maramdaman na bata pa sila. Nakakatawa.
"Okay lang naman, mabuti naman at naisipan niyong gumala dito?"
"Namiss namin mag-sleep over sa bahay niyo mommy ganda"
"Sleep over lang ang pinunta niyo dito?"
"Hindi naman po pati kayo mommy ganda"
Natatawa na pumunta ako kay daddy pogi at nakipagbeso sa kaniya.
"Kamusta na Karen? Ang laki mo na"aniya. Napangisi ako.
"Ito parin daddy pogi maganda parin"biro ko.
"I know, sit down Karen"tumango ako sa kaniya. At umupo sa kung saan ako palagi umuupo kapag nandito sa bahay nila Karen.
Nawalan man ako ng daddy may mga daddy parin naman ako. Minahal nila kami ng para bang isang anak nitong mga nakaraan araw iniisip ko na sana hindi na lang ako nabuhay dito at nabuhay na lang sa ibang pamilya na kaya akong intindihin at alam niya kung ano ang nakakasakit sakin pero hindi ko masisisi na binuhay ako nila mama para makita ko kung ano ang buhay ko dito sa mundong 'to at kung ano ang estado ko bilang anak sa mama ko.
"Manang pakilagay na po ang mga gagamitin namin don, tapos yung mga pinabili ko sa inyo kanina"rinig kong sabi ni Carmela kay manang.
"Karen bakit ka pa umupo? Don tayo kakain sa guest room"si Carmela. Kunot noong tumingin ako sa kaniya.
"Hindi ba natin sasamahan sila mommy ganda?"tanong ko sa kaniya.
"Sige kung gusto mo samahan mo sila mommy diyan"sabi niya. Nagpaalam ako kila daddy pogi para umakyat sa guest room.
Bakit kase kailangan sabay sabay pa kami kumain don tapos sila mommy ganda iiwan don tapos hindi kami kasabay kumain? Ewan ko ba kay Carmela kung ano ang nasa isip niya.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto agad akong humiga sa isang king size bed nila Carmela. Natawa silang lahat ang sakit ng katawan ko at gustong humiga para ipagpahinga ang isip at katawan ko masyadong pagod na pagod na ako. Dalawa naman ang king size bed kaya malamang kasya kami lahat dito.
Tumabi sakin si Mark at yumakap sakin. Palagi niya itong ginagawa sakin kapag magkatabi kami matulog. Kapag natutulog kami si Carmela sa kanan ko at sa kaliwa ko si Mark. Wala naman malisya don dahil magkaibigan kaming dalawa.
"Oh catch!"sabi ni Tristan sabay hagis ng clover at piatos nasalo ko naman agad 'yun. Binuksan ko 'yun at umayos ng higa si Mark naman nakayakap pa sa bewang ko. Pinalo ko ang braso niya dahilan para alisin niya ang kamay niya sa pagkakayakap sakin.
Pumunta ako sa veranda at umupo sa upuan sinampa ko pa ang paa ko sa lamesa at kumain ng clover.
"Tristan bili mo ako ng coke mismo!"sigaw ko.
"Ilan ba gusto mo?"
"Marami siguro mga lima"
"Okay hintayin mo ako mga 5 minutes"
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtimer ng 5 minutes. Nagpatutog na rin ako sa cellphone ko para iwas boring. Habang kumakain nakatingin ako sa langit hindi parin mawaglit sa isipan ko ang mga masasayang bonding namin sa pamilya namin.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomantizmAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...