Pagkatapos ng pag-iinom namin ay umuwe na rin kami wala kaming balak na magtagal dito dahil manonood kami ng basketball ngayon sa Marungko nagbihis na kami para deretso na kami don sa School ng Marungko para manood ng laro.
Simple lang ang suot namin. Nakashort at nakatak-in ang mga damit namin habang ang mga boys ay shorts at T-shirt lang ganon din si Airon.
Nakasakay na kami sa van kinakausap naman ako ni Airon at sinasagot ko naman siya.
"Mom uuwe na ba tayo?"tanong niya sakin. Ginulo ko ang buhok niya napangiti naman siya.
"Hindi pa anak mamaya na tayo uuwe may papanoorin pa tayo ngayon"
"Pero mga nakainom po kayo tapos manonood pa po tayo? Hindi po ba na umuwe na lang po tayo para matulog?"
"Hindi naman kami mga lasing at tsaka si Tito Tan mo lang ang lasing hindi kami tignan mo tulog na si Tito Tan mo kase siya ang mabilis na malasing"turo ko kay Tristan na nasa unahan namin tulog na 'to at nakahiga na pinagsiksikan niya ang sarili don para makahiga at matulog.
"Parang bulate naman si Tito Tan"natatawa na sabi niya matapos na tignan si Tan natawa kaming lahat.
"Ganyan siya matulog kapag sobrang lasing na siya o kung inaantok na siya. Ganyan na ganyan siya hahaha"natatawa na sabi ko sa anak ko. "At panigurado kapag naging kayo ni Tan, Mina kailangan lagi siyang natutulog antukin siya"
Napairap naman si Mina sakin natawa ako.
"Wala akong pakialam edi matulog siya sa kung saan tsk kailangan pang sabihin sakin e!"naiinis na sabi niya natawa ako. Kaya siya ganyan dahil nag-asaran silang dalawa hanggang sa may mapikon at napikon naman agad si Mina dahil hindi na niya nasakyan ang pang-aasar sa kanya ni Tan.
"Kapag lang naman just in case na antukin siya"
"Kahit sa sahig mahiga siya doon maganda pa!"
"Ang sama mo e di'ba gusto mo siya?"
"Masama na kung masama matapos niya akong asarin tapos tinutukso mo pa ako sa kaniya?! Iba ka rin ate ibang iba ka talaga!"
"Talaga kakaiba ako dahil ako lang naman ang nag-iisang Karen Eizel Bautista na pinsan mo na maganda at sexy"natatawa na sabi ko.
"Wala akong sinabi na banggitin mo ang buo mong pangalan!"inis na sabi niya napanguso naman ako. "Kailangan pa talaga na pati pangalan mo kasama abno ka rin e no?!"pigil na galit na sabi niya natahimik naman at natawa dahil alam kong kapag pinagpatuloy ko pa 'yon baka sa sobrang asar niya e ibalibag na niya ako.
Napaisip ako kung hindi lang lumipat si Hanna sa ibang school ay panigurado matutuwa siya dahil ikakasal na ako ang alam kase namin ay sa ibang bansa na siya nag-aaral dahil doon daw ay maganda ang mga lesson don sa ibang bansa.
May time naman ay nangungumusta siya nagchachat naman siya sakin araw araw at palagi siyang nagsesend ng picture kasama ang mga kaibigan niya pero ang lagi niyang chinachat sakin ay kami parin ang kaibigan niya na hindi daw niya makakalimutan kailanman.
She always makes me happy in that way she send me a picture with her bestfriend, family, cousin and she said always she miss me and my bestfrieds she miss the way outing with my bestfrieds ang I understand because she studying in another country and that's way I miss her so much.
'Pero teka? Tama ba 'yong english ko? Putaaa ayoko na ngang mag-english!'
Nakarating agad kami sa School ng marungko maraming tao at karamihan ay mga kasing edad namin at ang iba naman ay may mga may asawa na. Hawak hawak ko ang kamay ni Airon habang nakatingin sa paligid niya panigurado hindi siya sanay mga maraming tao kaya hangga't maaga ay kailangan ko na siyang sanayan sa ganitong maraming tao.
BINABASA MO ANG
You'll Broke My Heart (Completed)
RomantizmAko si Karen Eizel Baustista ang babaeng laging nasasaktan at Iniiwan mag-isa. Hangad ko lang na may tunay na nag-mamahal sa akin pero sa bawat pag-ibig na tumatapat sa akin ay lagi na lang ako sinasaktan. Pero sa paghanap ko sa taong mahal na mahal...