Chapter 17: Broken Family

29 1 0
                                    

Dalawang araw na ako dito sa hospital gusto ko ng umuwe sa bahay at gumala. Si mama
Naghahanap ng pangbayad sa bill ko.

Pumasok ang nurse, hindi pa humuhupa ang pamamaga ng mukha ko at ang mga pantal hindi pa nagiging okay.

Chineck ng nurse ang vital sign ko.

"Sa susunod wag kang kakain ng hipon girl pwede mo itong ikamatay"sabi ng nurse.

"Totoo ba yun? Ako na gusto ko maging doctor hindi ko alam na pwede pala ikamatay ang allergy"sinabi ko yun ng nakangiti.

Biglang bumukas si ang pinto at iniluwa non si Ethan na may dalang prutas.

"Mag-aral kang mabuti para maging doctor ka, mahirap maging doctor hija"

"Walang mahirap para sa pangarap di po ba?"

"Nakakatuwa ka naman hija, sabihin mo nga sakin sino ang inspirasyon mo para maging doctor?"

Umayos ako ng upo. Nakakabit parin ang dextrose ko at oxygen sakin.

"Naku ate, dapat hindi mo na siya tinanong niyan ang dami niyang gusto itanong tungkol sa pagdodoctor"si Ethan sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay lang, ganon din naman ako ng bata pa ako"sabi ni nurse. "Who's your inspiration?"

"May teacher kase ako na doctor din siya. Dati siyang doctor pero ngayon nagtuturo siya ikunuwento lang po samin yun, naispire ako kaya 'yun simula noon gusto ko na maging doctor. Mahirap po ba talaga ang maging doctor?"

"Hindi madali ang doctor hija pero ang sabi mo nga walang mahirap para sa pangarap"tinapos niya ang pagchecheck ng vital sign ko. "Kung sakaling matupad mo ang pangarap mo gusto ko makita kita dito"

"Talaga 'te? Wow may kaibigan na akong nurse! Mag-aaral ako ng mabuti para maging doctor ako tapos pag-ako naging doctor isasama kita sa operating room!"

"Masyado kang confident sa sarili mo hija pero gusto ko ang pagkakagusto mo sa pagiging doctor. Mag-aral ka muna bago mo ako isama sa operating room"natatawa na sabi niya tsaka siya lumabas ng kwarto. Napanguso ako.

'Masama ba maging confident sa sarili?'

"Tanong ka kase ng tanong, masyado kang interesado sa pagiging doctor mo"si Ethan, nagbalat siya ng orange at binigay sakin yun.

"Kailangan kong malaman ang ginagawa nila habang bata pa ako"kumain ako ng tatlong orange.

"Matututunan mo rin yan, love"

"Alam kong mahirap maging doctor, pero gagawin ko ang lahat maging isang doctor lang ako"

"Ganiyan dapat kapag naging doctor ka ipagpapatayo kita ng sarili mong hospital tapos magpapagawa ako ng tarpulin mo na malaki"nakangiti na sabi niya. "Maganda ka siguro kapag suot suot mo ang gown ng pang-doctor?"

"Syempre naman ako pa ba? Bagay nga sakin kahit anong damit pang-doctor pa kaya? Hindi na ako makapaghintay na maging doctor parang gusto ko tuloy dayain ang taon maging doctor lang"natatawa na sabi ko. Inubos ko ang orange at kinuha pa ang isang buo sa kamay ni Ethan at sumubo ng dalawa.

"Maghintay ka wag kang magexcite akala mo naman madali maging doctor, palagi kang puyat at kung sikat ang hospital maraming pasyente lalo na kapag mag-oopera mahirap at tatagal ka ng ilang oras sa operating room tapos minsan ang uwe mo madaling araw na at minsan naman wala kang tulog kaya mo ba yun?"

"Ang pagbabasa ng libro na halos walang tulog nagagawa ko pa? Ang pagpupuyat pa kaya? Handa akong magpuyat para sa mga pasyente ko, buhay ng tao ang nakasalalay don, no?"

You'll Broke My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon